The Clever Mom

Di ko alam kung nakita nyo na tong picture na'to dati dati pa... pero post ko na rin at trip kong i-"extend" ang kwento para sa mga ngayon palang makakakita nito...


Isang araw, sa isang paaralan sa amerika ay inutusan ni Gng. Jones, bilang takdang aralin, ang kanyang mga estudyante na gumuhit ng larawan, na nagpapakita kung ano ang gusto nila maging pag laki. At kinabukasan nga, ipinasa ng mga estudyante ang kani kanilang nagawang larawan.

Natuwa si Gng Jones sa mga iginuhit ng kanyang mga estudyante na nag papakita ng kanilang pangarap pag sila ay lumaki na... pero isang drawing ang nag pataas ng kilay ni Gng Jones nang makita nya ang isang larawan:



Naeskandalo ang guro! at kinausap ang bata tungkol sa trabaho ng nanay ng bata. Nag alala ng husto ang guro para sa bata dahil nalalagay sa alanganin ang kainosentehan ng bata dahil sa "kakaibang" trabaho ng kanyang ina. At nag desisyon si Gng Jones na ipatawag ang ina ng bata para mag paliwanag tungkol sa naturang larawan na iginuhit ng bata.

Kinabukasan, pumasok ang bata, pero di kasama ang kanyang nanay, bagkus nag paabot na lang ang ina ng sulat para sa guro.

Mas mainam pa rin kung makakaharap ng guro ang ina at personal na mag usap, pero kung sulat lang... sige na, pwede na siguro ito para maliwanagan ang mga bagay bagay... at ang sulat ay tumakbo ng ganito:


Dear Mrs. Jones:

Gusto ko lang pong linawin na hindi kailan man sa aking buhay, noon o ngayon, na ako ay nag tatrabaho bilang isang exotic pole dancer.

Ako po ay nag tatrabaho sa isang home depot na nag bebenta ng mga kagamitan sa bahay. Nitong mga huling araw na sobra ang pag bagsak ng snow sa ating lugar ay naging mabenta po ang pala (shovel) para panghakot ng tambak ng snow... Nagkaubusan ng pala sa aming tindahan... hangang sa may nakita pa akong isang huling pala sa aming stockroom at nagkagulo na ang mga tao para bilhin ang natitira at kahuli hulihang pala.

Ang larawan po ay di nag papakita ng larawan na ako ay nag sasayaw sa pole bilang exotic dancer bagkus, ako ito na may hawak na pala at nag kakagulo ang mga tao para bilhin ang huling stock sa aming tindahan.

Mula po ngayon, ay mas tutukan ko na po ang aking anak lalo na sa kanyang mga takdang aralin.


Lubos na gumagalang,



0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine