My Summer Checklist



Habang tumaktabo ang araw ng mga summer months lalong umiinit... ang langit lalong nagiging crisp, blue, and limitless... Lalong nakakatakam ang mga halo halo sa daan... Palakas ng palakas ang paypay gamit ang abaniko... shades kung shades palakihan, pakulayan ng payong sa katanghaliang tapat! Nangangati na akong mag beach talaga! syempre, tong ganitong lakad eh pinag hahandaan, halos january palang..

as of march 21, malapit na macomplete ang summer list ko


1. Approved vacation leave, 5-working day (3rd week of april). Check!
2. Board short. check!
3. Beach somewhere in north or mas north pa. Check!
4. Summer looks na ala pareng derek ramsey na semi kalbo at facial hairs. Check!
5. Toned body with my "pandesal" na pinaghirapan ko since January pa na isa sa mga new years resolution ko... na araw araw workout at mas maraming protein intake para magkamaskels hahaha.. good luck!. Check!
6. Budget. Check!


At eto mga gagawin ko palang habang parating ang big day
1. Bumili ng sunscreen lotion (first time kong gumamit kasi)
2. At ang pina excited ako eh makabili ng Canon D10 Powershot para sa mga whatever underwater subjects. hopefully bago matapos ang March, meron na ako nito.
3. Mag pre tan? ala kumpareng derek? gusto ko maitim na ako sa araw ng bakasyon... ayokong mag mukhang taga Maynila na ang putla putla sa beach!
4. Bumili ng goggles.
5. At bumili ng extra memory cards... di ko rin alam kung bibili pa ako tripod hehehe!
6. At imaster pa ang aking photography prowess kuno.... hehehe
7. At mag alam pala sa nanay ko na magbabakasyon ako hehehe, buti pa kayo alam na, e sya di pa. hahaha

sana lang.. mga 3rd week of april eh mainit pa rin di ba? baka mamaya eh tag ulan na yon.. ang kulet!

4 notes:

{ Mokong™ } | March 20, 2010 at 8:35 PM said...

Pare try nyo yung San Antonio, Zambales dami pasyalan dun Anawangin, Pundaquit, Camara at Capones Island...

{ Ollie } | March 20, 2010 at 11:42 PM said...

yep, consider ko yang suggestions mo.. ganda ng sets mo ngayon at maganda talaga ang lugar. good work! meron pa ba? dami mo na pasyalan ah! hahaha

{ Mangyan Adventurer } | March 21, 2010 at 2:46 AM said...

Huwaw! Nice camera.... Haha!


Matagal pa bago magkaganyan ako... :)


Enjoy your vacation!

{ Ollie } | March 23, 2010 at 4:34 PM said...

@ mangyan. hahahaha! matagal pa ba? siguradong mura na to kung kelan man yon pre! hehehehe. kamusta naman sa mindoro?

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine