Sana Bayani... sa Singapore


Medyo "manok" ko rin Bayani Fernando eh... pero may vice president na akong napili... I like him kasi talagang may effort na pagandahin ang Metro Manila.. ang di ko lang ma gets eh yung mga pink urinals sa gilid ng kalsada... although may ganun din naman sa Paris, mga public cr sa gilid ng kalsada, yun nga lang mas hi-tech at maganda yung nasa France.

Anyhow... nakikita ko ang kanyang mga political ads sa TV kaso parang boring at kulang sa sipa... eto suggestion ko syo Bayani Fernando.

Sana Bayani nag punta ka ng singapore at dun ka nag shoot ng commercial mo with matching dialogue na:

"Magandang araw mga kababayan, nandito po tayo ngayon sa isang lansangan dito sa singapore. Kita nyo naman, napakalinis, ang mga tao ay tumatawid sa tamang tawiran, di nag kakalat ng basura kung saan saan... Dito, may multa ka kaagad pag nahuli kang nag hagis ng basura kung saan saan lang. At bawal dito ang bubble gum kaya wala kang makikitang nginatang bebelgum sa kanilang kalsada. Kita nyo naman, napakalinis ano po? "


Etong estado ng singapore na malinis, disiplinado ang mga tao, at may urbanidad at may paggalang sa sarili at batas ay kayang kaya rin nating gawin sa buong Maynila o kahit sa buong bansa pa... nagawa ko na po ito sa Marikina.. Kung ako po ay mabibigyan ng pagkakataon na makaupo at kayo'y mapaglingkuran at makikiisa sa aking hangarin na gawing wholesome, livable, malinis, at may paggalang sa batas, sa sarili, sa bayan, at sa kapwa Pilipino ang Pilipinas ay hindi imposible na marating din nating ang ganitong kondisyon ng Singapore. Sino ba naman ang ayaw ng ganitong kaaya ayang lugar at pamayanan di po ba? Ito lang naman po ang aking hangarin, ang makaroon tayo ng disiplina sa ating katawan at magkaroon ng mataas na antas na pamumuhay sa ating bayan para sa lahat ng Pilipino, at hangaan muli ang ang ating bayan dahil sa ating pagiging disiplinado"

CUT!

"Okay ba direk? o sige, san ba CR dito, naiihi na ako hehehe, pwede ba dun sa may gilid na Merlion? Joke!"



Parang ganun... Hehehe!


0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine