Bakasyon Part 2 - Agno River

Ano nga ba itinerary ng bakasyon ko nitong nakaraan?

April 19 - Monday - Bolinao, Pangasinan
April 20 - Tuesday - Bolinao
April 21 - Wednesday - Sta. Maria, Pangasinan
April 22 - Thursday - Sta Maria
April 23 - Friday - Sta Maria
April 24 - Saturday - Manila

So tong mga kwento and/or mga pix ko ngayon eh nangyari nung April 21-23.

Dito sa Sta Maria ako nag grade 3, 4, at 5 at sa lola (nanay ng tatay ko) ako nanirahan non - dito na rin ako natutong mag salita ng Ilokano. So wala namang masyadong happenings dito mula noon hangang ngayon kasi buhay probinsya, mabagal ang oras, kain lang ng simpleng pagkain or exotic na pagkain na available sa bukid, tumulong sa mga gawain bukid, bonding sa mga pinsan at tiyo at tiya, mag alaga ng farm animals, matulog ng maaga, at gumising na maaga. - pero nung bata ako eh syempre sa eskwelahan nauubos ang oras ko. - may be, try ko mag kwento na aking mga adventures bilang batang probinsyano sa mga susunod na post.

Anyways, isa lang napansin kong kakaiba ngayon, tong huli uwi ko - ang lumalalang rayuma ng lola ko. Bilang medical transcriptionist, or bilang nasa medical field din in general, although di naman ako doctor *grin* how I wish na meron akong magawa para gumaan ang pakiramdam ni lola - ang naisip ko lang noon ay hot/cold compress, massage, bawal kumain ng sitaw at mungo at shellfish at lamang loob - at naisip ko rin na i-under sya sa synovectomy or athroplasty or pagbalik ko ng Manila ay bigyan ko sya ng food supplements na Arthricin, (plugging?) yung may chondroitin and glucosamine para "dumulas" ang kanyang nag gagasgasang kasukasuan. Hayzzzz.

Anyways, malakas pa naman talaga si lola, di naman bed ridden, keri pang dumayo sa Dagupan City or mag shopping sa SM Rosales; the fact na puro mga herbal lang ang kanyang kinakain, walang preservatives, di naman sya smoker, andon naman ang kanyang mga ibang apo na makukulit para aliwin sya, i know she is okay, yung rayuma lang talaga hehehe, lahat naman tayo ay rarayumahin pag tanda, lagot.

Anyways, share ko na lang mga ibang pix na kuha ko habang nandito ako sa bukid at yung trip namin sa Agno river and its scenery.



















I thought, El Nino ngayon di ba? nagkakatuyuan ng dam at ilog, and i was expecting na ang Agno River eh tuyot na, but apparently, this river is surviving the heat, at malinis pa rin sya...although ang ilog na to ay very violent nung Ondoy at Pepeng, nilubog nito ang Rosales Pangasinan pero ngayon eh okay na sya. Nilubog rin pala nito ang bukid ni Lola pero after 3 days lang eh humupa na rin ang baha.
























"Pulang bato sa ilalim ng ilog"


Tong Canon D10 eh pwede rin kumuha ng video underwater hehehe, so behold...




Hehehe, mga pinsan ko sila. Tinulungan nila ako mag "set up" nung subject na itlog ng suso/kuhol hehehe.


Ano ba pa susunod na kwento?

Part 3 Cape Bolinao Lighthouse?
Part 4 Patar White Beach?




















7 notes:

{ Jepoy } | April 30, 2010 at 10:59 AM said...

pictures are simply A-M-A-Z-I-N-G! spell awesome! nice one

{ Ayie Marcos } | April 30, 2010 at 11:28 PM said...

Wow! Nice colors naman talaga. Ganda ng kuha ha. Mukhang papunta na nga ito sa SLR. eheheh

{ Unknown } | May 1, 2010 at 1:16 AM said...

@ jepoy your comment is much
A-P-P-R-E-C-I-A-T-E-D :)

@ Ms Ayie, thanks sa compliment. Eeeee pressure? hehehe.

{ A-del-Valle } | May 1, 2010 at 8:31 AM said...

at ang busy ng buhay mo naman hehehehe

{ Unknown } | May 2, 2010 at 6:08 AM said...

@ pusangnahukay hehehe welcome sa bahay... di naman masyado.. ngayon lang to pag summer ako nakakalabas hahaha.. next year na ulit ang adventure.

{ nikka =) } | May 3, 2010 at 4:12 AM said...

love the pics. :)) haha. ayos.

{ Unknown } | July 7, 2010 at 1:54 AM said...

@niks, ngayon ko na lang to nabasa ha, July na! LOL

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine