Nope, di po ako nag time travel sa 1971, pero parang ganun na rin, i had a chance, in some way, to have a glimpse kung anong meron during her schooling in secondary level.
Mag dadalawang sunday na rin na tinatrabaho ko ang pag gawa ng facebook account ng nanay ko, even sa classmates.com, ako ang gumagawa at umaalalay para makita nyang muli ang mga ka batch nya sa Class '71 sa Pio Del Pilar High School Makati, Rizal.
Basta narinig nya lang, di ko alam kung saan, na magkakakaroon ng Grand Reunion or Home Coming ang naturang batch pero kailangan munang mag register sa classmates.com at sumali sa Facebook, kasi andun ang mga announcements ng events, at bukod sa announcements, ramdam ko ang curiosity ni Nanay sa hitsura ng kanyang mga kaklase, imagine, mga 16 years old palang sila nung time na yun ng 1971.... at 2010 na ngayon, mga nasa mid 50's na ngayon ang mga naturang binata at dalaga, at ang iba ay, - sumalangit nawa -
Actually, kitang kita ng nanay ko ang napakalaking pag babago sa itsura hahahaha na ginawa ng humigit kumulang na lumipas na 4 dekada , kasi meron syang naitagong yearbook nila non. So kinumkupara nya ang itsura mula sa inaamag ng yearbook sa mga pictures naman sa facebook. May mga nakalbo, may mga di nag bago ang mata, at maganda pa rin kahit oldies na, ang iba ay nasa abroad, ang ibang babae ay naiba na ang apelyido, iba ay itsurang donya at don na, at nag iinglisan sa discussion board ng facebook ha, hahahaha, siguro mga nasa higher section yong mga yon.
Mmm, buti di inaatake ng ka insecuran ang nanay ko nung makita nya na ang iba ay well off at parang suki sa Belo Clinic ang histsura ng kanyang ka-batch ... at talagang excited sya na malaman ang date ng reunion at talagang aattend sya sa kanilang home coming. Parang iba kasi napipicture ko sa gabi ng pagtitipon hahahaha parang mga elitista talaga ang dadalo ron... well, sana bukod sa palakihan ng assets, sana mag kumparahan din sila ng pabaitan ng asawa, mga anak na mababait, di suwail, di pabigat sa lipunan - defensive? yun lang naman kasi ang maipag mamalaki ng aming pamilya...
Siguro, sa nakalipas na 4 na dekada, matapos ihagis ng aking Nanay ang kanyang toga sa kaitaasan na punong puno ng pag asa para sa isang magandang buhay, she thinks na sya lang, sa batch '71 ang nakatupad ng ambition in life sa yearbook na "To be a queen" - dahil sa pamilyang Tugade sya lang ang reyna, kasama ang hari at 3 prinsipe.
Well, good luck sa nilulutong home coming ng Pio Del Pilar High School Batch '71! Isang masayang pag babalik alaala po sa inyong high school life.
0 notes:
Post a Comment