Masakit sa ulo ang balitang politika

Monday night -

Napanood ko sa news ang Villararroyo issue - Si Villar daw ang lihim na "manok" ng administrasyon - itong Villararroyo issue ay pinagkakalat or nag simula di umano sa kampo nila Noynoy - para saan? kasi ayon sa survey, kung sino man ang iiendorso ni PGMA ay hindi iboboto ng mga Pilipino. Since may ganitong survey, ay idinidikit ngayon ng kampo nila Noynoy si Villar kay I-am-sorry bitch PGMA para magkaroon ng bad image si Villar at dumikit ang sumpa - ang galit ng mga anti PGMA - kay Villar.

So, nagalit at nag retaliate to the next level ang kampo ng ni Villar kila Noynoy dahil sa Villararroyo issue na ipinagkakalat ng yellow team.. at ang bwelta ng mga nakaligo na sa dagat ng basura - higit kay Villar, ang kampo nila Noynoy ang maka administrasyon dahil sa ngayon ay kung ilang kamag anak nila Aquino ang nasa ilalim ng opisina ni PGMA, like si Tessi Aquino-Oreta at mga nasa pwesto na may apelyidong Conjuanco at Aquino pa rin.

Mud slinging eh? para wala akong itulak kabigin sa dalawang partidong to.

Tuesday morning - nag tatangal pa ako ng muta ng marinig ko sa radyo - Villararroyo issue pa rin - Headline sa radyo - Kampo nila Noynoy hinamon si Villar na mag labas ng ebidensya na mag papatunay na hindi sya ang lihim na manok ni PGMA!

What the effff! Ano daw?!!! It was like this skit:

Juan: Hoy Pedro, ninakaw mo yung piso ko no?

Pedro: Wala akong kinukuha syo!

Juan: Aber patunayan mo na hindi ikaw ang kumuha sa piso ko!

How twisted! kung sino pa ang pinag bibintangan, nasa kanya pa ang burden of proof.

FYI: 34 days na lang May 10 na! Lapit na. Marami pa.

1 notes:

{ Random Student } | April 6, 2010 at 3:16 AM said...

if they can shine by putting down someone else, eh siguro premise yan ng kung anong pde nilang gawin ng palihim. eh kayang gawin in broad daylight eh. buti na lang may cable.

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine