Some times in April 2009, nung summer vacation ko sa isang beach sa Pangasinan, at habang naka lubog lang ako sa turquoise water, mga 4.5 feet na ang lalim but unbelievably kitang kita ko pa rin ang paa ko sa ilalim sa sobrang linaw ng tubig, i can even sense minuscule corals sa ilalim. Ang linaw talaga! It was like nakatagpo ako ng treasure dahil sa ganda ng lugar, kaya dito lang ako nag lalagi tuwing summer since 2007. I got my regular compact digital camera, i have taken lots of beautiful and rustic sceneries pag nababakasyon ako dito yet nung time na yon, that specific moment na nakikita ko ang paa ko sa ilalim, how i wish na meron din akong camera na pwede sa ilalim ng tubig para makita kung ano ang meron sa ilalim. Gusto kong makita naman ang nasa ilalim kasi parang sawa na ako sa mga subjects sa ibabaw ng dagat/mga subjects sa ibabaw ng lupa. Gusto ko sa ilalim naman.. although not to the point na parang scuba diving, di naman kasi ako marunong lumangoy. Then, dun na ako "nangati" na bumili ng cam, waterproof, - dapat next year, summer of 2010, pag balik ko dito ulit, eh may dala na akong cam na pwede sa ilalim ng tubig.
Then i researched kung anong best camera ang may ganong specs. At kung ilang beses ko na rin itong na i-blog, at na i-blog pa, at na i-blog pa
At yun nga, Canon D10 na nga ang napili ko although wala naman akong perang pambili hehehe Day dreaming lang... kung ilang beses rin akong napabuntong hininga pag nakikita ko tong camera sa internet, sa billboard sa Magallanes Interchange.
I remember din last year, 1 month bago ang birthday ko, naglambing ako sa tita ko sa abroad ng ganitong camera, - yuck! hiyang hiya ako sa sarili ko, talagang inasa sa ibang tao itong cam nato? Pero sabi ko sa tita ko na hati kami kung magkano man ang aabutin hehehe. Pero lumipas ang birthday ko nung October pero wala. "Asa ka pa?, Mahiya ka nga." "Well, October pa lang naman - matagal pa summer 2010."
Habang tumatakbo ang araw, ang alam kong presyo nito eh 20+ thousand pesos... Sige pag iipunan ko na lang ito. At meron din pagdadalawang isip kasi may iba pa akong gusto noon like DSLR, or mag invest sa kung ano anong raket, etc, pero sa pagtimbang timbang ng mga gusto ko... Canon D10 talaga ang gusto ko. Di maalis sa isip ko yung above-mentioned moment.
Minsan na rin na inalist ko to sa wish list ko ng mkapunta ako ng Manila Ocean Park, kasi well, nakita ko na ang buhay sa ilalim ng dagat sa sandamakmak na aquarium dito - so para saan pa? Pero makulit ako, gusto ko ng Canon D10! Ginawa ko na rin tong avatar pix sa yahoo messenger at skype ko eh, para mainspire ako.
Early 2010, well kung nasusubaybayan nyo tong blog ko eh parang photoblog na rin ito dahil sa mga shots na pinopost ko dito - yet parang may kulang - lagi lang kasi sa ibabaw ng lupa ang subjects ko. At kasabay non, since palapit na ang summer 2010 wala pa rin akong cam na madadala yata sa pag balik ko sa pangasinan hehehehe. Konti pa lang ang ipon ko!
Then sa pag shashare ng dream cam ko sa mga friends ko, they recommended na try ko bumili ng Canon D10 online. They have provided some websites ng local e-stores kung saan ako pwede tumingin at mag canvas - at nagulat ako na di 20k ang price dito, almost kalahati na lang.. 13,500 na lang. - ayos, pasok na pasok na to sa budget ko!
I have tried to inquire at mag pa reserve sa 3 or 4 E-stores na nakita ko sa net kasi lagi rin out of stocks ito. Halos buong March eh eto lang inasikaso ko, mangulit sa mga E-stores - andun din ang kaba na baka hoax lang ang websites nila baka mamaya eh wala naman pala after kong mag deposit ng pera sa kanilang mga account - bye bye sa ipon ko! but luckily, nag stick na ako sa isang store na mabilis kausap at siguradong wala ng hassles para matapos na tong "kati" ko at susme! March na, April na, baka maubusan pa ako ng stock! so suntok sa buwan na talaga to!
At ito na, nung last Saturday, dumating na ang Canon D10 ko! BWAHAHAHA! Hawak na kita sa aking kamay! Hayop ka!
Actually, nung sunday sana eh nablog ko nato para naman maintroduce ko itong new baby ko sa inyo kaso may isa pang problema pa!!!
Si Nanay hahahaha, galit na galit sa cam ko! "Di kita papayagang magbakasyon kapag dala mo yang cam na yan!, bibili bili ka ng underwater camera eh di ka naman marunong lumangoy! Eh pano kung malunod ka?"
Then i said, i explained, "Nay, correction, di ako bumili ng underwater camera, bumili ako ng waterproof camera, Di ko to binili para kuhanan ang mga isda sa dagat, pano ko gagawin yon, eh di naman ako marunong lumangoy. I just bought a cam na waterproof, mas protektado sa elements - parang relos na waterproof, yun lang."
Ayun, well kung may isdang maliligaw sa 4.5-feet-deep water, bonus na lang yon, but mainly, i ll just make the best out of it, yung kanyang pagiging waterproof at syempre, safety first, alam ko sa sarili ko na di ako marunong lumangoy. Damn! Tignan na lang natin ang mga ilalabas kong shots dito gamit itong aking Canon D10.
I think baka eto na muna ang last post ko kasi nag aayos na ako ng mga gamit ko para sa 1-week vacation ko.
I have high expectations for this cam, Canon eh. At na review ko na ang manual, nagreview na ako ng mga photography techniques (bukod pa dun sa alam ko na hehehe), nag practice, trial and errors hahaha shoot! at na ilubog ka na rin ito sa drum ng tubig!
Actually, kagabi lang, may na practice akong shot gamit itong new baby ko na di ko pa gagawa ever, and i love the result. I'll post it soon. At marami pa akong ideas talaga, i love this cam! Kahit ata di na ako bumili ng dslr hahahaha. I hope ma present ko ng maganda ang mga shots ko para kunyari eh ka join ko rin kayo sa aking bakasyon!
6 notes:
kelangan shirtless shot?! LOL
Yun ah congrats sa bago mong camera at ang ganda ny pagkakuha mo dun sa syokoy!LOLS! Joke lang!
Ingat
Maganda talaga yang camera na yan--even the under water shots talagang maganda. Natest drive na sya ng friend ko, at syempre binili rin nya kasi nga uber sa ganda ang mga shots nya.
Congrats!
Saang beach ang tinutukoy mo?
hahaha... derek ramsey ah... gymboy! ilang buwan ka naggym tol
ngek! ngayon ko na lang nabasa mga nag comments dito!!!! 4/29/2010!!! anong petsa na!
@jepoy, ang init eh kaya shirtless, pinagpawisan ako sa pag kalikot ng cam hahahaha
@Drake - sira hahaha, ang poging syokoy di ba? hahaha.
@ayie - wow talaga? so di ako nag kamali ng pag bili, i love it talaga. wait lang sa mga images sa beach hehehe
@glen - hi lakay! welcome sa balay ko ngay! sa bolinao, sa patar. Walang kasawaang bolinao, kakaadik dun. taga dun ka di ba? ako sa eastern part ng pangasinan.
@moks - sa bahay lang tong pag dedevelop ng aking maskels maskels.. or sa ilaw lang at tamang angle lang hahaha
@
Post a Comment