New Scrabble Rules - "Jesus" Pasok!!!



Ang word na "JESUS" ay 12 points!

Ang word na "iPad" 7 points!

Adidas
Zimbabwe
Microsoft
Nokia
Beyonce
NASA
Toyota
Marlboro
IBM
COMPAQ
Google
youtube
WII
VIOS

Ilan lamang ito sa mga salitang pwede ng buuin mula sa tiles ng Scrabble.

Napansin kasi ng Mattel na wala ng masyado naglalaro ng scrabble kasabay ng pag unlad ng technology at paglabas rin ng ibang pwedeng pagkaabalahan sa www, kaya nag labas sila ng mga bagong rules para ibalik ang magic at pinayagan na ang mga proper nouns at yung words na "ipingananak" sa cyberspace para maka relate naman ang mga "modern" bagets at mahasa ang kanilang galing sa vocabulary at talino sa language.

Pero may mga tumututol dito lalo na ang mga Scrabble Clubs or panatikong wordsmith ika nga. - "Okay lang itong bagong rules kung trip trip lang ng barkada pero dapat panatilihin ang standard na rule para sa mga seryosong manlalaro."


Hmmm, dati akong adik sa board game na to, nakaka challenge kasi lalo na kung mabunot mo ang letter "Q" tapos walang "U"? hehehe. Well, nakakahiya lang na mag yaya ng ganitong laro sa mga barkada kasi masabihan ka pang nerd di ba? Pero kina karir ko talaga to pag may chance. Regarding sa new rules, well kanya kanyang kaso lang sa bawat bahay, dapat bago mag umpisa ang laro dapat alam ng players kung classic rules ba gagamitin or yung new rules ba kung saan pwede ng gamitin ang proper nouns, trip trip lang, para masaya. Pero yung latter rule eh di ko pa natry; kung nagkataon na masubukan ko ang bagong rule, wala na ako problema sa letter "Q" hahaha, pwede na ang IRAQ!







1 notes:

{ Ayie Marcos } | April 10, 2010 at 12:18 AM said...

Mahilig din kami sa larong scrabble noon. Dayaan pa kse ang tatay ko laging mali sa spelling. massayang laro for family. I wish to introduce this to my daughter once she already know how to read and write.

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine