Mata ng tao vs Mata ng Machine



Napanood ko kahapon sa news mga dry run ng automatic election sa ilang schools. tinesting nila ang makinang gagamitin for computerized election.

Ang isa sa mga naging problema after ng isang kunwang botohan na nilahukan ng 10 tao, how come na sila Mayor A at Mayor B lang ang binoto nung 10 tao eh ang result na nilabas ng makina ay si Mayor C ang panalo; nakuha ni Mayor C ang 10 votes?

Tapos, nung mano manong chineck yung balota, lumabas na ang 10 tao na yon ay either sila Mayor A at Mayor B lang talaga ang kanilang binoto?

Eto ngayon isa ko pang point na naobserbahan... malamang sa hindi, kapag nag fail ang isang makina sa isang presinto, tulad sa scenario sa taas, ay mano mano na lang ang bilangan for sure, same Electronic ballot pa rin; ishe-shade ang bilog na katapat ng napili mong kandidato.

I just hope na malinaw ang mata ng mag bibilang at sisiguraduhin nya na ang bibilangin lang na boto (ng human eye) ay yung buong buong na shade-an. Ang bibilangin lang ay yung sakto, walang lagpas, walang kulang.

Delikado kaya lalo pat baka malabo na ang mata ni Ma'am or baka makipag deskusyanan pa sya sa kapwa nya teachers kung ito bang boto na to eh isasama kasi di nya matantya kung yung bilog ay nashade-an ng tama ayon sa standard ng machine eye,

It's either "pasang awa" ang mangyari or mas super strict pa sya sa makina, ultimong less than 1-mm squared na area lang ang mapansin nyang walang shades eh di na rin bibilangin.. kinda subjective you know?
Anyway, siguraduhin mo na lang na buong buong ang pagkakashade mo just in case na masira ang makina sa inyong presinto.


--------------------------

ERRATUM

just making correction lang

I think, if ever na mag fail ang PCOS machine, ay ibabalik na lang ang mano manong system, at pag gamit ng mga manual election paraphernalia, gaya ng mga nakaraang eleksyon, so ang gagamitin dun ay yung mga lumang form of ballots kung saan ay isusulat mo ang name ng kandidato mo NOT the "E-ballots".

So walang basehan yung naisip ko sa taas na may mga teachers na magbibilang ng balota gamit ang mga "e-ballots". Kung manual ang eleksyon, ang gagamitin ay mga manual paraphernalia.


If ever na mag fail ang PCOS machine, well malamang ay ipag paliban ang eleksyon at ihanda ang mano manong system sa mga susunod na araw.


nakagulo lang ata ang explanation ko.. i think delete ko na lang kaya tong post na to.








6 notes:

{ DRAKE } | May 4, 2010 at 12:28 AM said...

Parang nakakaduling naman yan!

Sabagay sanay naman sila sa mga ganyan dahil san damakmak na exam naman ang chinechekan nila!hays!

Buti na lang di ako nagtitser!heheh!Joke lang!

Ingat

{ Unknown } | May 4, 2010 at 4:58 AM said...

@ drake, salamat sa comments, kaso mali pala ang "akala" ko kaya may erratum akong nilagay hehehe.

whoa pressure! sa nakaraang palpak na testing, parang ang mga tao dito eh mas gusto na lang ang mano mano... ilang araw na lang kaya. at may mga problema pa rin ang gagamiting makina.

{ Ayie Marcos } | May 4, 2010 at 6:58 AM said...

Paano kung hindi mabasa ang bilog na hugis itlog--sayang na naman ang pera ng bansang naghihikahos na.

{ gillboard } | May 4, 2010 at 6:24 PM said...

as long as mailabas mo ang nais mong ipahiwatig (which is medyo nakakakaba ang bagong paraan ng pagboto ngayong eleksyon)ayos na yun.

dahil totoo namang nakakabagabag ang napapanuod nating balita sa telebisyon tungkol sa PCOS machines.

{ EngrMoks } | May 5, 2010 at 3:14 AM said...

Mabuti na lang at hindi na ako uupo sa election bilang 3rd member...dahil malmang pahirapan to...at gulo pagnagkataon...

{ glentot } | May 5, 2010 at 2:32 PM said...

Wag mo nang burahin kasi informative naman, ngayon ko nga lang nalaman ang proper way of shading yung bilog na hugis betlog.

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine