Untitled

Kagabi, muntik ko ng idelete tong blog ko. Isang click na lang sana gagawin ko eh, pero i decided na itulog ko na lang muna ito at 11 pm na kasi.

"Matulog ka muna, bukas, pag gising mo, balikan mo tong blog mo at isipin mo kung buburahin mo tong blog mo Ollie"

Di ko alam sa sarili ko itong ganitong klaseng pag iisip... Social Isolation ba ito? Nauna ko ng binura ang Facebook account ko dati - pag nag lo log in ako don ay sari sari ang nararamdaman ko... selos, ingit, iritable sa mga nag lalabasang wall posts ng aking mga cyber friends - sobra akong nababawan, may pakiramdam din ako na di ako makapagpahayag ng sariling damdamin - mga isipin na sa kailaliman lang ng aking utak at tanging ako lang nakakalam - mga isipin na nag lalangis, malapot, mabaho, nakakapaso, at mapait pa sa ampalaya - at kasama na rin don ang mga isipin na sobrang tamis na nakakasuya. Pero di ko magawang mag ala umalahokan dahil "konektado" ako sa mga kamag anak ko or mga co workers ko - ewan - siguro kasi wala rin sa totoo kong personalidad ang ganong klase - tahimik talaga ako sa personal - at ayaw ko rin maging tampulan ng usapan kapag naglabas ako ng statement - naku.

Social isolation - Bakit?

"I feel unloved"


Di ko naman nararamdaman na wala akong silbi o iniwanan ng pag asa. Nakatingin pa rin ako sa mga target kong goals sa buhay. Di naman ako napapangitan sa sarili ko, ako pa, nag uumapaw ang aking sex appeal! Saan merong mali? Ano tong nararamdaman ko... Hmmm ito ba'y mid life crisis chuchu? - Di ko pa naman to na Google, walang dahilan para sa akin na igoogle ko ang mid life crisis. Ang gino google ko lang sa ngayon eh "Social Isolation" - siguro ito rin ang dahilan kung bakit 3 posts lang ang nagawa ko ngayong June.

Pwede rin na kaya ako nag memellow sa pag bo blog kasi

"Di ko sure kung mature thing ba ang pag bo blog, hayaan or ibalato mo na lang kaya yan blogging sa mga mas bata syo no? mag focus ka sa ibang bagay na bagay sa age mo, yung pag kakaperahan or something na dadami ang connections mo"


May isa pa akong naisip kung bakit gusto kong burahin tong blog ko... dahil sa gusto kong di na nasisilip ng aking mga ex ang kung ano nangyayari sa akin - gusto kong itago kung ano ang meron- gaya ng di ko alam kung ano ang bago sa kanila - may bago ba silang nobyo, mga careers, san na sila ngayon - curious ako pero di naman ako makapag spy kasi naka private ang kanilang social networking accounts. Samantalang ako, di ba, enter lang nila ang tunay kong pangalan at madidirect na sila dito sa bahay ko - uninvited! - gusto ko lang yung feeling na inisip nila "ano na kaya balita kay Wow sarap Ollie?" San ko kaya mahahagilap yung masarap na yon?" Bahala kayong mangapa at maglaway ulit.

Pero sa isang banda, tuloy lang ang buhay dito sa blog ko, mag popost ako kung feel ko. Kung wala ako sa mood, may magagawa ka ba?

Anyways, nag palit na rin ako ng template sa aking blog, bagong bihis, tutal isang taon na rin naman.

"Social isolation - I Google mo na to Ollie. Pulutin mo ang iyong sarili dahil ang mundo mo ay di umiikot sa kung sino at ano pang bagay - you're good! - I'm good!"

3 notes:

{ gillboard } | June 30, 2010 at 11:20 AM said...

dati pagnitype ang pangalan ko'y madadala ang kung sino man sa blog ko. pero dahil medyo nawalan ako ng privacy, gumawa ako ng isa pang blog na walang nakakakilala sakin.

matrabaho ang magmaintain ng 2 blog, pero at least nasasabi ko na ng malaya ang mga nais kong sabihin.

mabuti at nagbago ang isip mo regarding sa pagdelete ng blog.

{ EngrMoks } | June 30, 2010 at 7:38 PM said...

mabuti at nagtuloy tuloy ka... enjoy lng parekoy!

{ Unknown } | July 1, 2010 at 6:47 AM said...

@gillboard, dun ba sa blog mo na walang nakakakilala syo eh maraming ka rin followers? o di na rin mahalaga yon? nacucurious ako kung ano mga laman ng anonymous blog mo hehehe. tingin ko okay na ako sa isang blog lang muna. - kaya ko pang habaan ang pisi ko.

@mokong, actually isa sa mga reasons din kung bakit di ko na nadelete eh yung bagong features ng blogger.com - mga new template designs for blog. So parang "bagong bahay" ulit ang dating, bagong papel na pwedeng sulatan ulit. - at marami pang ibang dahilan din kung bakit mas pinili ko na wag na lang burahin to. phase lang siguro to... =) korek, enjoy lang, parang blog ni idol chico

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine