Salt - Movie Review


Movie: Salt

Starring: Angelina Jolie, Liev Schreiber, Chiwetel Ejiofor
Genre: Action, suspense


Plot:

Si Evelyn Salt ay isang CIA agent. Nakahuli ang CIA ng isang isang Russian "traitor", si Orlov, na kasama sa operation DAY X - na naglalayong pabagsakin ang US.
Isa sa mga inamin ni Orlov ay sa pagbisita ng Russian President sa US, ito ay papatayin ng kanilang isang matinik na Russian spy - si Evelyn Salt.

Di makapaniwala si Evelyn Salt sa mga bintang ni Orlov na isa syang spy. Doon na nakaramdam ng panganib si Salt para sa kanyang buhay - nagkaroon na ng pag dududa ang CIA sa kanya. Kailangan nyang patunayan na hindi sya isang Russian spy at hanapin ang ugat sa likod ng mga bintang ni Orlov.





The movie is fair enough, I'm satisfied - at least nung pag labas ko ng sinehan.

Acting: It's an action movie so wala masyadong mga cheesy lines or pamatay na script or mga puzzling elements. But Jolie here is an action star! Di naman bago tong mga action movies sa kanya. I have watched Tomb Raider and Mr. and Mrs. Smith, carry nya maging action star! Dito sa movie na'to, natatawa na lang ako sa mga stunts nya, kasehodang mag tatalon sya sa mga heights at makipag basagan ng mukha sa mga barakong russian antagonist. Meron ba syang movie na drama? gusto ko mapanood para makita or makumpara ang ibang side ng kanyang acting prowess. - although my mga silent scenes sya dito na umaakting ang mata at lips =)

Direction: Di ako familiar sa mga ibang movies ni Phillip Noyce. Simple lang ang plot. May maliit na holes. Anyways, parang bitin ako sa bandang huli... dapat may sequel pa'to. Palaban pa si Salt sa end ng movie, parang meron pa syang bubugbubugin. Susundan ko sya sa part 2 kung meron.

Editing: No comment. Small holes? At nasaan ang "boom boom pow" scene ni Salt? Meron sa trailer eh. *grin*

Costume Design: Maganda at sexy si Salt. Mas crush ko si Salt pag blond hehehe. Pero parang mas crush ko sya nung naging lalake sya LOL.

Set Design: I commend na wala masyadong CGI effects, i'm so okay with it.

Photography: Maganda at dramatic yung mga kuha sa mga flashback scenes.

Background music: Nakakasira rin pala ng mood or adrenaline rush pag masyadong maingay ang bombahan, putukan, at kung ano ano pang mga stunt scenes, nabingi ako sa lakas ng sounds - fault ng movie house malamang.


Overall, entertaining and you will feel Jolie with Salt kung isa kang action fanatic.





Next review: Inception.

3 notes:

{ nikka } | July 31, 2010 at 5:55 AM said...

ikaw na ang movie critic. lol.

di ko pa rin napapanood yan. >.< pati inception. err.

{ Autumn Duckweed } | July 31, 2010 at 9:51 PM said...

thanks sa movie review mo ha...abangan ko ang inception at mas type ko yun. hehe

{ Unknown } | July 31, 2010 at 11:19 PM said...

@ nik, alam ko kung bakit ka pumasok dito sa blog ko hahahaha. May chi necheck ka no?.

@ autumnduckweeed
sus me, ready na duguin ang utak ko sa pag interpret ng inception. but i would love to read your views din sa movie na yon.. syo din nikka.

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine