Siguro mahigit 1 year palang ako sa Pangasinan noon, mga 9 na taong gulang ako, at isa akong transferee galing Maynila. Karamihan sa mga bago kong kalaro/kaklase non eh mga batang ilokano - di matatas mag tagalog kapag nakikipag usap sa akin, wala rin ako masyadong naiintindihan sa mga sinasabi nila. Pero paunti unti ay parang spongha na rin ang utak ko at naiintindihan ko na rin ang mga ilan sa mga ilokanong salita habang kami ay naglalaro; nakakaintindi na ako pero tagalog pa rin ako mag salita.
Sa edad na 9, kalahating inosente at kalahating may malisya na rin ang utak ko non. Minsan sa pag lalaro, di maiiwasan na mapag-usapan ang mga kalarong babae, mga maselang parte ng katawan, at kung ano ano pang kaberdehan na pakalat kalat sa paligid na natural lang sa mga ganong bata, pero tingin ko eh hangang kwentuhan lang yon - may "pagtindig" na nararamdaman pero hindi mailabas dahil hindi pa alam kung paano. Mga later na siguro pag 12 or 13, ayan na. - Again, hangang salita lang yon dahil mga 7, 8, 9, at 10 years old lang kami ng mga kaibigan ko non. Dun ko na rin nalaman ang ilokano word na "iyot" or "ukinam"- walang malisya, gutom lang ako na matuto ng bagong lenguahe, syempre may iba pang ilokano words, di lang naman yon, pati na rin wholesome, colloquial, at mga basic.
Ang una kong ilokano word/phrase na nasabi ay "Ag-uray ka!" nasabi ko yon ng sinabi ng tita ko na uminom na ako ng gamot, eh enjoy pa ako sa pinapanood kong Captain Planet and the Planeteers - ayon, sobrang kulit ni tita "Hoy ollie, oras na para uminom ka ng gamot mo!" out of the blue ay sinagot ko sya ng "Ag-uray ka" meaning "Maghintay ka!" Nagulat sya sa sagot ko, "Wow, marunong ka na mag ilokano ha!" Hehehe, pero in general ay ganon pa rin ang pangungusap ko, halong tagalog at ilokano.
Bukod sa sa salitang "Ag-uray ka!", ang isa pa sa pinaka hindi ko malilimutang word ay "tuldi" - sa mga kalaro ko rin ito natutunan - "tuldi" ay yung "clits" or "mani". Nakakakita lang ako ng tuldi pag kumakain ako ng tahong non or kapag yung mga kalaro kong babae eh di nahihiyang umihi sa harap ko - timepers muna sa pag lalaro ng patintero dahil iihi muna sya, magtatago sya sa likod ng halamang santan pero expose pa rin. Nakakakita rin ako ng tuldi pag maliligo kami sa ilog, hubot hubad, maka agaw pansin talaga yong nakausling part na yon. Pero mas prefer ko syang tawaging "mani", pero interesting din ang term na "tuldi", galing talaga nitong mga bago kong barkada sa Pangasinan, dami kong natutunan!
Ilang araw ang nakalipas habang patuloy kong inuutal sa aking isip ang mga bagong natutunang ilokano words, isang umaga, napadaan ang mga tito ko na nasakay ng kuliglig, sa bahay habang nag bi-bike ako sa labas. Nakita nila ako
"Ollie! Sama ka?"
"Saan kayo pupunta?"
"Pupunta kaming ilog, mag lalaba kami ng mga kumot, banig, tolda, at trapal".
"Sige sama ako!" - sumama ako para makaligo sa ilog.
Sumakay ako ng kuliglig at ilang saglit pa ay narating na namin ang Ilog Agno.
Ang sarap ng panahon, mga 8 am palang yon, malamig ang tubig, gusto ko ng maligo habang ang mga tito eh binaba na ang mga dala nilang tolda, kumot at banig.
Habang naka lublob na ako sa ilog ay narinig ko si Tito Junior "Patay, nakalimutan ko yung mga sabon at pang brush!"
So parang blessing in disguise na sumama ako at ako ang nakita nila para utusan para bumalik sa bahay nila Tito Junior para kunin yung naiwanang sabon at pang brush ng banig.
"Ollie, punta ka sa bahay muna, hingin mo kay lola mo yung pang-brush nitong mga trapal at tolda". So mabait naman ako, nilakad ko na ulit ang mahabang daan patungo sa bahay nila.
Habang naglalakad eh nagreview ako ulit ng mga ilokano words; tuldi = "mani", puraw = puti, balasang = dalaga, wen = oo, binting =25 cents, tugaw = upo, bil-lit = ibon, parya = ampalaya, bartek = lasing
Mga 30 minutes din bago ko narating ang bahay ng lola ko at, andun sya sa poso at nag huhugas ng kanyang pustiso.
Lumapit ako at nagmano.
Kinabit ang pustiso nya at sinabing "Kaawaan ka ng diyos"
Ako'y nagtanong na ng aking pakay.
"Lola, nasaan po ang pang-brush ng tuldi nyo?"
"Ano?!"
Nanlamig ako... Tama ba yung sinabi ko?
"Ano yon?!" ulit na tanong ng lola.
"Po? - Tolda po. Pang brush po ng tolda!"
"Ah... Naroon, kunin mo sa sulok..."
Agad ko ng kinuha ang brush at di ko na sya tinignan sa mata at sabay nagpaalam na rin.
Alam ko na habang tinatantya nya ang fitting ng kanyang pustiso sa loob ng kanyang bibig ay ramdam kong jinu judge nya na ako sa aking walang kagatol gatol, taas-noo, at walang alinlangan na naibulalas:
"Lola, asan po ang pang brush ng tuldi nyo?"
Tahimik nya lang akong tinignan papalabas ng gate pero umaalingawngaw sa tenga ko ang kanyang unspoken words...
"Alam ko kung ano ang sinabi mo! Bastos kang bata ka! Pang brush ng.... ouch!"
5 notes:
hahaha. brush ng anu yun parekoy? lolz
hahaha kakahiya kay lola!
Ahaha!!!
tuldi pala yun?! ilokano ak met ngem jak ammo nga tuldi.. ang usually talaga na gamit eh, mani.. ooppsss :P
hehe
:-)
Post a Comment