Kumbaga, nasa pagitan ako ng isang dambuhalang bato at isang sumo wrestler??? ipit na ipit ako sa gitna, pano ako aalis dito para makakagalaw? Yan ang pakiramdam ko ngayon, paano ako makaka blog ulit, nasaan na ang energy?
Biruin mo June at July tig 3 posts lang nagawa ko hahaha.
Gawa na yung camera ko actually at marami na akong kuha ulit at nakalagay lang muna sa account ko sa Flickr , i could have posted it here kaso ewan ko ba. Maraming pang kwento actually kaso walang time na umupo dito sa harap ng pc at mag post ng entries, mas pinili ko na lang na matulog, kumain, pumasok sa work, matulog, kumain, mag surf ng "corn", matulog at kumain pa? ewan.
Lately kasi nag start nung mid June na every Saturday ay uma attend ang team namin ng isang British-English proficiency communication training; tatakbo ang training ng 6 Saturdays, sa Makati, 7 am to 1 pm, kasama na dun ang byahe kasi sa Alabang pa kami mangagaling then, pag dating sa office ng 1 pm eh dun palang kami mag start ng work kumpara mo sa ordinary working hours (yung araw na walang training) 7 am to 4 pm ang working hours ko. So kung 1 pm na start ng work, 10 pm na kami matatapos hahaha, although tuwing sabado - 6 ng sabado lang naman... pero stressed pa rin ako, sanay kasi ako na 4 pm lumalabas eh. So ayun, late na ako nakakauwi... actually kahit lingo kinabukasan, advance nang nag iisip ang utak ko na
"hays, may training na naman sa sabado, late na naman ako makakauwi"halos yun na lang ang laman ng utak ko sa nakalipas na lingo kaya pass muna ako sa blogging.. gusto ko na lang sulitin yung mga free time sa tulog or watch ng sine para makalimot.
Although enjoy naman ang training pag sabado, actually last na training na namin nung nakaraang sabado, at parang mamiss ko ata ang routine na yon tuwing saturday, mabait pa naman yung British instructor namin na si David. actually dala ko yung cam ko sa training hahaha, may nakuha naman akong interesting subjects at post ko na lang dito sa soon and plano ko rin na gumawa ng post about sa experience ko sa British training kasi humihingi din sya ng feedback or suggestions kung may natutunan ba kami, marami ah! mas pinili ko lang na wag mag nosebleed sa pakikipag englisan with british accent.. sa blogging ko na lang dadaanin, yun yun eh!
Kailangan English ang post ko para maintindihan ni David kasi i bibigay ko sa kanya ang link ng blog ko hahaha, good luck kung mapacomment ko ang Briton na yon.
As of now, i'm gathering momentum ulit sa pag boblog, maybe pa comments comments muna sa mga bahay bahay nyo =)
3 notes:
Huwaw new layout! bat nasira camera mo anong sira
@ glen nasira kasi may isang araw na nasobrahan sa pag gamit ng video - eh di naman ginawa yung camera para mag video ng bongang bonga mas more on taking pix lang =) so hinay hinay na lang sa pag video.
nyaha. nagtagalog muna dito oh. :P wait comment ako dun sa isa. XD nyahaha. nosebleed.
Post a Comment