What if my twitter na nung kabataan ko?
Siguro isa sa mga na twit ko noon (1987) ay:
Walang kaabog abog na isang araw na lang ay sinama ako ng nanay ko sa SM Makati, para mamili ng mga gamit sa school para gagamitin ko sa pagpasok sa kinder - papasok na ako ng kinder pero di ko pa ata alam isulat ang pangalan ko sa papel. Wala akong ideya kung ano ang ginagawa sa school.
Wala rin akong kalaro dati na nakita kong naka school uniform sa umaga para manganak ang isip ko ng isang tanong "Bakit ganon ang suot nun? Saan sya pupunta - san sila pupunta ng nanay nya?" Walang introduction na sooner or later, ang isang bata ay papasok ng paaralan.
Ayon nga, tanda ko na lang na nasa SM na kami ng nanay ko at namimili na kami ng gamit -
Lapis na mataba. Para saan?
Papel. Boring.
Ruler. Huh?
Pambura. Ano to?
Crayola. K.
Pantasa.
Notebook. Wow ganda ng cover, mickey mouse! pero bakit puro guhit lang sa loob?
Di ko magets, para saan tong mga gamit na to? Parang natatakot na ako ah. Di ba pwedeng kesa bumili tayo ng mga walang kwentang abubot eh bili na lang tayo ng laruan? Robot! Bioman!
Then pumunta na kami sa bag section.
Sabi ng nanay ko "Bukod syo, bibilhan ko na rin ng gamit ang pinsan mong si Teresa, magiging kaklase mo rin sya sa kinder"
"Bakit nyo bibilhan si Tetet ng gamit eh may pera naman sila ng Mama nya?"
"Basta - tara, dun tayo banda, nakita ko na yung bags para sa inyong dalawa"
Nakawahak ako ng mahigpit sa nanay ko dahil ayokong mawala sa loob ng tindahan.
Hinugot ni nanay ang isang backpack at pinakita sa akin.
"Eto, bagay na bagay syo, isukat mo nga, isabit natin sa likod mo"
Sinukat ko naman, okay naman. I checked the design or yung drawing ng bag, more or less parang ganito: Blackboard na may sulat ng ABC.
"Okay na yan? Lipat tayo don sa kabila, at yung kay Tetet naman"
Sumunod naman ako. Pagdating sa namin sa estante, ay hinugot ni nanay ang isang bag na, kulay pink at may design na ganito: Makulay na payong
"Nay, ganyan na lang din bag ko" - ang ganda kasi, masaya, masarap tignan maraming kulay.
"Huh? Pambabae kaya ito?", sabi ng nanay ko.
Di ko alam kung nakailang "Basta, ganyan din gusto ko!"
May sinasabi ang nanay ko pero parang di ko naririnig, nakapako lang ang mata ko sa kulay red, green, yellow, orange, violet, blue na kulay ng payong.
Unang araw ng klase, umaga, 7 a.m., naglalakad kami ni Tetet papuntang school, ikot sya ng ikot, talon ng talon, enjoy na enjoy sya sa suot nyang paldang green at yung bag nya na binili ng nanay ko.
Ako, naka one-side ang buhok, naka polo, naka short na green, black shoes at suot ko ang backpack na may pisarang design.
So anong point ko? I think, yung moment na yon sa SM ay lumabas ang signs kung anong area ang intelligence ko - nasa area ng spatial, naturalistic, and intrapersonal.

"Di ko gusto ang bag na binili ng nanay ko!" (bag ko na gagamitin ko sa kinder)

- Spatial
- Linguistic
- Logical-mathematical
- Bodily-Kinesthenic
- Musical
- Interpersonal
- Intrapersonal
- Naturalistic
- Existential
4 notes:
may SM Makati na pala nung 1987... :P
di ko nagets paano mo siya napagtanto.
hmmmmm..
@arvin whoa! actually na google ko sya, 1967 pala eh may SM Makati na hehehe interesting.
@gibo, gustong gusto ko ang mga komento mo =) basta, alam ko, yung 3 fields na yon kuno
@Ollie: talaga ginogle pa... hahaha. noted!
Post a Comment