Matagal Na Bakasyon

Kung ilang gabi na rin ako nakahiga sa kama, actually di iyon ang nakasanayan kong kama. Iba ang lambot ng kama, ang lambot ng unan, ang ambiance sa loob ng kwarto. Di ito ang amoy na nakasanayan ko sa matagal na panahon. Sa pag higa ko ngayon, at pag mumuni muni, habang naka titig sa kisame at sa apat na dingding na nakapaligid sa akin, wala doon yung mga hinahanap ng mata ko, mga libro sa estante, yung PC ko, yung nakasampay kong tuwalya, yung nakasiksik na used tissue sa mga singit singit, yung kurtina, yung butiki, yung kalukos ng daga, yung maaligasgas na pakiramdam ng kutson ko, yung bentilador na maingay... Wala ang mga yun kung saan ako natutulog ngayon.

Sa pag higa ko sa loob nitong 30 nights, napapagod na ako... Gusto ko ng umuwi... Masyado ng matagal ang bakasyon na ito, masyado na akong namamahay I just don't feel at home...

Ang tagal na, 30 days na, gusto ko ng humiga sa sarili kong kama... Umuwi sa aming bahay... ang aking sinapupunan, ang aking proteksyon, ang aking seguridad, ang bahay ng aking nanay at tatay at ng aking mga kapatid. Ang bahay naming pamilya.

Pero imposible ng makabalik pa ako sa aking kama, sa bahay at damhin, amuyin ang init ng aking kutson, unan, at kumot... Imposible ng makapahinga, tipong pagdating mo sa mula sa malayong lugar ay sasabin mong "I'm home at last" sabay hilata sa sofa.

Di na yon mangyayari...

At least ang feeling ko eh nag babakasyon nga lang ako at uuwi na rin ako soon sa bahay, pero wala na akong uuwian. Sunog na.

5 notes:

{ EngrMoks } | January 24, 2011 at 1:06 AM said...

feel sorry for you par... sana okay ka na...

Anonymous | January 24, 2011 at 5:02 PM said...

i'm sorry about this....


i hope you can recover soon enough

{ Unknown } | January 25, 2011 at 1:31 AM said...

@ moks and Chef T.R. thanks sa pag comfort... sobrang tragic ng nangyari nung december 23, 2010. Our house was destroyed by fire, at wala kaming nailigtas... Nakaka mimiss. Yun nga, namamahay ako sa appartment ng temporarily na inuupahan namin ngayon.. iba pa rin yung aura sa aming bahay. Gusto ko ng umuwi... kaso... Iniisip ko na lang na nananalo/nakabili kami ng bagong bahay or nag migrate kami at kailangan na rin iwanan ang aming lumang bahay at titira na kami sa bagong bahay.. new start. Move on na lang.

{ David } | January 27, 2011 at 3:28 AM said...

I've been trying to figure the post was somehow trying to explain more about orgasm and refreshment. just before I could think of it having a happy ending, you already lost your home. you are now adjusting to what seems to be the real dipshit of life.

happy thursday folk

follow my blog here:
http://arandomshit.blogspot.com/

{ Jag } | January 27, 2011 at 6:04 AM said...

im so sorry about it parekoy...in time makakabawi din kayo...

ingat!

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine