I heart Pilipinas



May isa akong na mimiss gawin or ipost dito sa bahay ko? Ang magbigay ng aking palagay, kuro kuro sa nangyayari sa kasalukuyang situation ng ating bansang Pilipinas - marami akong na miss kaya gaya ng:

Yung Porsche ni P. Noy.
Yung pagbibigay ng huling hatol sa kaso ng Vizconde Massacre.
Yung bus bombing sa Buendia
Yung sunod sunod na car jacking at pag sunog sa mga biktima.
Yung pabaon system sa AFP.
Yung pag babawal sa mga foreign acts (concerts/gigs) pag Pebrero, ayon kay Kuh Ledesma.
Yung paglabas ng bagong peso bills.
Pagbalik ng 8 pesos na minimum fair sa mga jeep.
Ang Pilipinas kay Ganda logo.
Alisin daw si Shalani sa Willing Willie kasi boring sya mag host.
Yung pagkaka huli sa anak ni Chavit Singson sa Hongkong dahil sa droga.
Ang panukalang Lady Bus Drivers sa Edsa.
Si Piolo at KC na daw.
Si Baron, ang pang hihipo sa dibdib ni Ms. Picache.
Yung pinaplanong bigyan ng pwesto si Mar Roxas as "Chief Troubleshooter"
Paglaya ni Trillanes.
Plea Bargaining Agreement.

etc, etc. etc.

Mabenta kaya ang pag bibigay ng pananaw sa mga Philippine politics at showbiz. Halos yun lang din karamihan ang laman ng blog ko last year, especially the May 2010 Election stuff, I miss the passion and heat! Yun nga lang, ang mga issues eh eh halos paikot ikot lang naman at paulit ulit, ningas kugon at wala ka na rin naman magagawa kahit gano pa ka-smarte ang iyong opinyon! Sakit lang din ng ulo aabutin mo sa mga taong sangkot sa mga current issues.

Anyways, Congratulations and belated happy quatercentenary muna sa UST! (alumi kasi asawa ko rito) me ganon?!

Pag day off ko, tutok lang ako sa A.M. radio sabay tunga ng Advil para sa sakit ng ulo.

0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine