Heidi Mendoza

“I came to this hearing to tell the Filipino people that not all soldiers or government employees are corrupt! They are merely making an honest day’s living.”


May bagong sugo na naman! - Si Heidi Mendoza - Sugo na malakas ang loob na pangalanan ang di dapat pinapangalanan - Military Comptroller Carlos Garcia - na "nag bulsa" ng 50 million pesos.

Nag umpisa na sa senado ang imbestigasyon -

Sa labas ng Ateneo - nag karoon ng noise barrage kahapon bilang suporta sa katapangan ni Bb. Heidi Mendoza -

Sa puntong yon, natanong ko sa sarili, "Hey, nasan na na pala si Jun Lozada?, bayani rin sya dati kaya? Madaling araw non nang mabigay sya ng prescon sa may La Salle at napaliligiran sya ng mga madre, bilang suporta rin sa kanyang laban kila First Gentleman Jose Miguel Arroyo and former Comelec Chairman Benjamin Abalos dahil sa ma-anomalyang ZTE project. Saan na sya?" Ano na development ng kaso na yon?" Tapos eto na naman, si Heidi Mendoza.

Maganda talaga na sa kabila ng may mga masamang tao na kahit gaano pa sila kagaling magtago ng kalokohan, at walang konsensya sa panloloko sa mga mamamayang Pilipino - sa kasong ito, ang mga pobreng sundalo natin ang tunay ng biktima, eh may mga tao na malakas ang loob, matapang, at nanatiling buo ang prinsipyo at may takot sa Diyos - alam kung ano ang tama sa mali - na mag sumbong, mag ulat ng kanilang nasasaksihang katiwaliaan. Talagang kabayanihan yon. Buwis buhay - lalo pa't isa ka lang maliit na tao at isang malaking tao ang babangain mo.

Yun nga, ilan na ba silang "whistle blowers" - silang mga nag bubunyag ng kasamaan na nangyayari sa ilalim ng lamesa ng ating gobyerno na sangkot ang mga taong sakim sa yaman at kapangyarihan; name drop kung name drop! Walang bayong na naka takip sa kanilang ulo - kakanta sila pero paglipas lang ng ilang araw, tayong nakapanood at nakarinig ng balita na nakisimpatiya sa kanila ay parang batang madaling nagsawa at mabilis na nakalimot. Sana lang eh may patunguhan itong kasong ito - naawa ako sa napanood kong matandang retired na sundalo na kumukuha ng kanyang pensyon - mahirap kumita ng pera pero yung iba. tsk tsk tsk

1 notes:

{ pusangkalye } | February 7, 2011 at 12:57 AM said...

we need more Filipinos like her. na me malasakit sa bansa. we need numbers. sana dumami pa ang heidi mendoza

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine