Bolinao 2011 (Prologue)

abigail - Bolinao 2011


“Kung may nabuntis lang ako dito sa Bolinao nung 2007, siguro may 5-year-old na akong anak – isang anak na lagi kong binabalikan taon taon”


What’s up with having a kid?! It’s just a metaphor – comparison – kasi nitong last summer ay ang aking pang limang taon na sa Patar, Bolinao.

May mga pagkakataon na gusto kong lumipat ng ibang matatambayan pero malakas talaga ang hatak ng Bolinao sa akin – isa na nga itong pansariling tradisyon taon taon. At iniisip ko na paano kaya kung may isang tag araw na hindi ako nakapunta o nakabalik dito, at inilaan ang vacation leave ko sa ibang lugar? Pag sisihan ko tiyak.

Sa tingin ko, kaya minsan pumapasok sa isip ko na mag iba ng mapupuntahan twing tag-araw kasi ano ba naman yung kung ilang taon ko nang nilalakaran ang humigit kumulang 2 kilometrong dalampasigan nito yun at yun lang din naman… Photography wise, lalong malaking challenge yon! Ano ang pwede kong makuhang bagong larawan? Bagong ekperiyensya!

Sa loob ng limang taon, nakita ko na nga ba ang lahat? Sigurado ba ako na walang bago?

Natural lang na maghanap ng bago –pero lalong di masama ang maging loyal. Kaya sa tingin ko, nasa akin ang pagkakataon na mas “pigain” pa ang Bolinao at ako mismo ang makakita ng kanyang iba pang ganda at masasabi kong di nga sapat ang panlimang balik lang... dahil pakiramdam ko, tuwing tag araw ay lagi rin nya akong hinihintay kasi merong bago, laging meron...

cape1

3 notes:

{ Roy } | May 26, 2011 at 7:53 AM said...

Great shoots!

Sana marunong din ako sa photography. May DSLR ako pero wala pang time mag explore.

Your blog is interesting...

Muztah dito pre? ROY
www.abdul-hakeem.com

{ glentot } | May 27, 2011 at 5:31 PM said...

That's my muthafucking hometown!!! I'm proud to call myself a Bolinaoenian(?) LOL... At paborito ko ang Patar Beach.

{ Unknown } | May 28, 2011 at 1:53 AM said...

@ roy , sasabihin ko sana "Di naman po DSLR gamit ko rito..." No, oo DSLR nga pala gamit ko sa pag kuha ng larawan sa post na ito ^^ pero may kuha din ako sa point and shoot cam ko, i'll post them soon.

@glentot - ikaw na, ikaw na tubong bolinao! Kelan ka huling umuwi don?

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine