Sketching Caesar - Rise of the Planet of the Apes



Nung una kong makita ang trailer ng Rise of the Planet of the Apes, I thought it was complicated, barbaric, and a so-so action movie na naman - based sa trailer, the term barbaric is applied sa mga bidang tao (crazy scientists na nangengealam na naman sa di naman dapat) at yung mga apes, chimpz, orangutan and gorillas na nagkarambola sa city; literal na nakawala sa koral. Then it will be a war men versus apes.

Again, first impression ko 'to sa trailer lang.


Lumipas ang ilang araw, i visited rottentomato, and apparently positive ang review sa movie na'to. Ano kayang meron?

Then nagdalawang isip na ako kung panoorin ko kaya ito? or wag na lang? I just said "yes" na lang ng malaman ko na ang ang chimpanzee or ape na bida ay binigyang buhay ni Andy Serkis (i just missed LOTR in big screen). Kaya sige kahit si Andy Serkis na lang ang mag tutulak sa akin para panoorin ito.


Nag umpisa sa ito sa mga scientists na nag hahanap ng cure sa sakit na Alzheimer's - at unang tine-test ang mga gamot sa mga chimpanzees. Una itong sinubok sa chimpz na si Bright Eyes - and it was proven effective na nakaka cure by regenerating brain cells. Eventually, napatay si Bright Eyes pero isinilang nya naman si Caesar, na minanana ang kakaibang katalinuhan ng kanyang nanay, dahil sa naimbentong gamot.

Si Dr. Will ang naka imbento ng gamot at nagsilbing tatay ni Caesar dahil pagkawala ng nanay ni Caesar.

Inampon nila si Cesar at sa loob ng 5 years nagpakita sya ng natatanging kakayahan - natuto - at itinuring na parte ng pamilya, hindi isang alagang hayop. Maski si Caesar, di naiisip na sya ay hayop.

Pero likas na matalino si Caesar - natuto sya sa pag oobserba... Naisip nyang hayop sya dahil katulad ng asong nakikita nya sa kapitbahay nila, sya rin ay nilalagyan ng collar.

Siguro dahil sa nagiging "binata" na si Caesar, andun ang pag hahanap ng tunay nyang katauhan (or ka-bakulawan ^^) - Saan ba talaga sya nabibilang?

Lalo pa itong naging masalimuot nang makulong si Caesar sa isang primate facility - nakulong sya dahil sa pagtatangol sa tatay ni Dr. Will na nakita nyang sinasaktan.


At dito ko na rin bibigyan ng conclusion ang pelikula... I was wrong sa impression na mababaw lang ang movie na'to... Sometimes, di naman nakukuha ito sa magandang special effects or scripts.

Ang commendable sa movie na to ay ang mga simple pero makahulugang kilos, body language, facial expressions, at maski mata lang ni Caesar maiintindhan mo.

It was nice na halos umikot lang kay Caesar ang pelikula. Pinakita kung paano sya naging mapagmahal at may simpatya sa kanyang kinamulatang pamilya, pinakita ang lungkot at lumbay sa kanyang pagkakakulong, at pinakita rin ang isang bahagi na kanyang pagiging mabagsik - palaban - pumuprotekta. But those are just basic feelings/emotions na natural sa tao or maging sa mga hayop pero higit sa kung ano pa man, sa pagsasalita, o sa pag do-drawing, sa pag sisign language, at pag gamit ng tinidor, sa pelikulang ito, mas tao pa si Caesar.




0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine