Sketching Eugene - Ang Babae sa Septic Tank



















































































































































































Walang wala















Tangina, nahiya naman ako, wala akong ma-i-comment. Walang wala... pero pag mga pelikulang English ang dami dami kong sinasabi!


Dapat meron akong masabi sa pelikulang ito dahil pagkatapos ng 48 na taon, ngayon na lang ako ulit nakapagsine - pumila sa takilyera para sa isang tagalog na pelikula.


Ang Babae sa Septic Tank ay kwento na napapalooban pa ng isa pang kwento kaya siksik -buti na lang tagalog at di ka mahihirapang pag dugtung dugtungin ang takbo ng kwento - tamang limbo lang. Tamang topak lang gaya ng eksena sa loob ng isang coffee shop (isa sa mga paborito ko, dahil ngayon ko na lang ulit narinig sa loob ng sinehan ang tawanan ng mga Pilipino na tumatawa sa isang eksenang pinoy na pinoy - parang nanood lang kami sa kanya kanya naming salas sa bahay - very loose - parang... parang... nakaupo ka lang sa inodoro at tumatae. Sa pelikulang ito, ika nga, kulang na lang bibig mo para tumawa.

Syempre, di mawawala ang mga eksena ni Eugene Domingo, herself na gaganap bilang Mila. Marami syang eksena, maraming arte, maraming galing!



Sabi nga isang panayam tungkol sa kanyang pinaka paboritong eksena

"My favorite would always be the scene of “Eugene Domingo” in the mansion. Hahaha! Imagine watching yourself playing yourself but not really? Eugene in a mansion with a swimming pool and a pool boy? CRAZY."




Year Nominated work Award Result
2011 7th Cinemalaya Independent Film Festival Best Screenplay (Chris Martinez) Won
Audience Choice Awards Won
Best Performance of an Actress (Eugene Domingo) Won
Best Director (Marlon N. Rivera) Won
Best Picture Won





Di na masama ang 5 parangal para sa pelikulang ito. Nalilito na rin ako kung ilalaban 'to sa Oscar grabe.


Napanood ko to sa trinoma kahapon at kahit matagal na'tong na release ay pinipilahan pa rin.





1 notes:

{ Dhianz } | August 23, 2011 at 2:30 AM said...

hmm... funny bah.... mapanood nga pag lumabas na sa online.... =)

btw ba't moh tinatanong kung meron pa akong more tagalog poems po?

so yeah... ingatz.. salamat sa pagdaan palah don ha... i appreciate it... Godbless!

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine