Ano ang Pagkakaiba ng Pansit at Apo?

Pag ganitong 30 years old na tayo, minsan bigla na lang na parang meron kang hinahabol - nag kukumahog. Walang dapat sinasayang na oras! Kasi sa madali at lumaon ikaw na lang mag isa - dapat maging fully equipped ka na sa buhay! May laban! Ready to survive! Ready to thrive!

30 na ako.

Mga magulang ko ay lagpas 50 na... papalo na sa 60!

May mga araw na wala nang lugar para maglaro - literally and figuratively - dapat ilagay na sa ayos ang mga bagay bagay.

Kasama dun sa pag sasa ayos ng mga bagay bagay like pag acquire ng mga assets! (wow!)

Dati, naalala ko, pag may nakuhang lupa (sa paso) or bahay (ng posporo) ang tatay at nanay ko at payable ng, what 15 years? 25 years? Sasabihin nila:

"Diyos ko, buhay pa kaya ako bago ko matapos ito?"


Ilang beses ko na narinig to sa magulang ko, pag may mga plano na kailangan mag hintay. Syempre ang weird naman na marinig para sa mga anak yung ganong hirit mula sa magulang

"Diyos ko, ang tagal naman, buhay pa kaya ako nun?"


Yun ang naooserbahan ko dati... pero di na ngayon...

I think ang magulang ko ngayon eh mukhang lagi ng excited sa mga bawat araw na darating! Na eexcite ako para kanilang bagong challenge or chapter ng buhay nila. Di lang pala pansit ang pampahaba ng buhay no?

0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine