Mukhang di na natin napansin to no? Halos parang ala rin balita tungkol dito... siguro sa mga estudyante sa elementary eh meron mga activities ngayong Agosto...
Random thought lang na may kinalaman din dito, pag may idle time ako, bukod sa blog ko eh nag checheck din ako ng ibang blog ng ibang tao... may isang live button link sa taas, "NEXT BLOG" ayun, pindutin mo lang yun, ma kakapasok ka na sa page ng ibang bloggers... yun nga lang.. di sa lahat ng pagkakataon eh tagalog mababasa mo tulad ng blog ko. or english... marami sa mga blogs nato eh naka balangkas sa ibat ibang wika depende na rin sa lahi nung gumagawa.. may italian, may malaysian, may muslim, may russian, may iceland pa ata... nakakatuwa kasi nakikita mo ang diversity, at comportable sila gamitin ang sariling wika nilang bilang medium of expression nila sa blogs nila. i am just thinking, yun din kayang mga dayuhan na yun eh nakaka pasok din sa blog ko by clicking the same button? malamang! ano kaya iniisip nila? ano kayang language tong nakasulat or ginagamit ng author ng Sketching My Corner? hehehe!.... wala naman masyado thought dito... tuloy tuloy lang ang pag tatagalog ko dito, may konting pressure lang kasi nga English ang largest used language, 2nd pala, so baka konti lang nakakaintindi sa blog ko hehehe nevertheless, if ever na may dayuhan na pumunta dito eh may tanong silang maiisip... anong language kaya to? =)
PS:
Tanong: ano sa tagalog ang eye glass? carpenter? comment na lang ulit hehehe
0 notes:
Post a Comment