I think last Saturday ata yun, nung mapanood ko isang featured story sa Kapuso Mo Jessica Soho about sa korean fever sa Pilipinas... yung mga latest craze pa ngayon na korean stuffs... well in general di naman na bago ngayong 2009 ang korean fever, nag start to 2003 pa ata, yung Lovers in Paris era pa yun... tapos mula nun eh sunod sunod na ang mga korean novelas sa hapon at gabi... at pati na rin ang mga pag gawa ng pinoy versions ng ilang K-drama.
Ano daw latest ngayon? yung group ni sandara park? 2N1? hehehe tapos yung bagong hit sa airwave ng mga jologs ng fm radio stations (grin) Nobody! ng Wonder Girls.. im cringing! LOL! well although RX 93.1 (di to jologs na FM ha) plays that cut, pero ibang version ang maririnig mo dito, english version pero so so lang sa akin, di ako fan ng mga ganung type ng songs baka single ladies pwede pa! LOL! So yun nga, lately ko na rin nalaman may dance move pa sya at sa show na nga ni Jessica Soho ko nalaman ang kinahuhumalingan ng sambayanang people! I'm cringing talaga! sabi ko, "Ewww! buti na lang at di ako biktima ng korean pop culture (although wala naman masama) pero i think, di ako biktima.... Wait a minute, then napaisip ako.. biktima rin pala ako in some ways! especially korean fashion! hehehe
I like their fashion style, nakakarelate ako, maybe kasi asian sila at asian din tayo so tamang tama lang. (matinong asian fashion din ang pinakikita nila di tulad ng uber sa weird sa Japan, ) at di katulad ng mga nakikita mong minomodel ng mga caucasians, mukhang maganda pag suot ng mga puti, pero bagay naman kaya sa asians yon?
There is a certain korean fashion website kung saan ako tumitingin para magkaideya ako kung ano gusto kong style at color ng damit/shoes/accessories/etc.. ung tamang porma lang naman basta presentable pero unique at may character. Actually, nag dadalawang isip nga ako na ipost tong blog na to, kasi lalabag ako sa batas ng mga ilokano na isang talamak na kuripot sa pera! pero kahapon eh... wala... parang napaaga na xmas shopping ko! LOL! Anyway, matagal ko naman to pinag isipan at pinagpilian kung ano mga kailangan ko at kung ano gusto kong mga damit at accessories LOL! pakita ko na lang mga pix kung saan ako kumuha ng ideas...
Bumili ako ng bag, ganitong style (sinasabit sa shoulder) ... kulay puti... mmm ang last bag na bili ko eh 2007 pa, so justified naman siguro mga manong! I just realized, na may polo rin pala ako nabili last june na ganito, checkerd , yet di ko pa nagagamit... sa pasko ko na nalang gagamitin! LOL!
Bumili rin ako belt - eto parang guilty ako, parang di ko gusto nabili ko.. anyway gusto ko lang yung may metal effect para may character di boring. ... well anyway last na belt na bili ko eh 1997 pa... so justified na rin
Bumili rin ako vest/chaleko... eto, di ako guilty, magagamit ko to madalas sigurado!.. pamatong sa mga paulit ulit ko ng sinusuot na t shirt sa office... so mag kakaroon ng bagong twist!
tapos... yan lang muna, clothing wise.. di ko muna bibisitahin yung website na yun baka mangati na naman kamay ko LOL!
Isa pang korean craze na gusto ko eh yung hairstyle nila. i remember, may isang beses ako nag pagupit sa isang korean salon sa Makati, Tony & Jackie at ang mga gumugupit dun eh koreans talaga at kailangan pa interpreter (english to korean) .
Well buti at di na ako nahirapan kasi nag dala na ako pix ng gusto kong buhok (below) my bangs effect! wahehehe.
Masyadong mabusisi pala pag gawa ng ganyang style.. may plantsa, wax, at nakaka hikang hairspray! so ayun, isang beses ko lang talaga naexperience ang mag pagupit sa salon na yon, bukod sa malayo, mahal, at mahirap and maintenance... pero may Tony and Jackey na sa Festival Mall hehehe! bahala na si batman kung ano mapag tripan ko sa mga susunod na araw.. tutal short hair pa ako ngayon eh... pero kahit short hair ako... di pa rin ako nakaligtas, kasi yung below pix naman ang ginaya ko with matching facial hairs, now you know kung bakit ako nag papatubo na bigote at balbas, kasalanan ng korean model na'to!
Kitam? isa akong malaking biktima ng korean pop cultures! LOL
Saranghae yo!
1 notes:
zipia dot net no? hehehe
Post a Comment