In My Life (movie)



I am planning to see this movie, (supposedly, my second movie trip for this year after Harry Potter 6) . Hmmm halo halong reasons kung bakit.

* Syempre, miss ko na pelikulang pilipino hehehe Bagong Buwan ni Cesar Montano in 2001 pa last tagalog movie ko.

* I think it is big... I mean, based sa trailer, maraming scenes na pinakita na "malalaki" like Chrysler Building, Central Park, Niagara Falls???, basta, i am into big scenes/production na "nadadala" ako sa certain places like sa outer space ng Starwars, Minas Tirith and Mount doom of LOTR, Hogwarts ng HP, Skull Island of King Kong, or something na involve ang pagkawasak ng earth like armaggedon, transformer, war movies, etc, basta, may mga certain movies talaga na kailangan sa theater mo mapanood para mas ma appreciate mo sya.

* Vilma Santos (her acting prowess) ... Napanuod ko rin sa sine yung Anak before, and i loved it! Mahusay sya sa role na nanay, (parang nakikita ko nanay ko hehehe), kasi dito sa Anak at IML eh namuhay sya sa ibang bansa; nanay ko rin, sa singapore dati, nag domestic helper sya when i was 10 or 11 ata so i have this thing for OFW mothers, naaalala ko lang nanay ko.

* Speaking of, syempre, movie about mother, mother-son relationship... a mother to a gay son, then... relationship din ng isang mother-in-law sa gay na manugang. May scenes pa na pag magkakasama silang 3, di ko madecipher kung ano nararamdaman ni Vilma (or ng nanay)... na coconfuse ba sya sa mga pangyayari, pano nya prino process sa utak nya ang mga nangyayari or nakikita nya pag magkasama sila luis at john Lloyd.. shock? nanghihinayang? happy na rin? or natatawa na lang...

* Curiousity of two men in love. Honestly di pa ako nakakapanuod ng gay-themed movies, i wanted to, yung Brokeback Mountain before, pero parang di naman lumabas yun sa local cinemas, or sa mga dvd rental shops. pero that movie won a lot of awards sa Academy Awards at marami ring good reviews. Actually they say di mo na raw maiisip na 2 guys ang nainlove sa isat isa habang tumatakbo ang istorya. So curious lang... tsaka maiba naman.

* The script. May isang dialog nga dito si Ms Vilma Santos na narinig ko ng sa nanay ko. Weird! hehehe. Nag eecho! Basta, aabangan ko mga pamatay/honest/true/"korek!" lines dito.

hopefully, kung mapanood ko nga, makapagbigay ako ng sarili kong review.

0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine