Caught it!
Well prior to this, mula nung pinost ko yung plan ko na panoorin to, watching the trailer and all, very interesting kasi very straightforward na sinasabi na katapusan na sa 2012 as in may exact date pa talaga, December 21, 2012! ano batayan? paano? mangyayari ba talaga to? sino may sabi? Na curious talaga ako at parang na threaten din
Based sa mga napanood kong "documentaries" sa youtube, ang nag bigay ng taning sa earth ay ang Mayan Empire, kesyo meron daw silang very precise ng calendar at duon nakatala ang mga eclipses at kung ano ano pang astronomical phenomena, very precise na "nakalista" dun ang mga eclipses, winter solstices, summer solstices, mga pag daan ng comets, alignment ng mga planets etc. na mararanasan ng earth. Apparently, natigil ang pag bibigay ng forecast ng mayan calendar sa December 21, 2012, bakit wala ng kasunod? at ang mangyayari daw sa december 12, 2012 ay ang aligment ng "galaxy?", earth, at sun. so may "hilahan factor" ng heavenly bodies at ng Earth. at dahil dun, mabibitak daw ang crust ng earth at hihiwalay ng ikot ang core. kasabay na rin non ang tinatawag na "polar shifting"; sa isang iglap, ang magnetic forces ng mga poles, the north pole and south pole ay kung saan saan na mapupunta, ie mapupunta na sa south pole ang africa at ang East coast ng US ay napunta na sa north pole, syempre massive and global earthquakes, tsunamies, or volcanic eruptions ang mangyayari nun.
I think for 2 days after kong mapanood yung documentaries na yun, naniwala ako na posible syang mangyari, konsidering na napakaliit lang ng Earth kumpara sa ibang heavenly bodies so kung may mga ibang planets or black hole or comets, or galamay ng galaxy or malihis lang ng konti tayo sa orbit, wala na, labo labo na ang mga forces, baka mag karoon nga ng polar shifting.
Sabi ng Mayan calendar, may aligment na mangyayari sa december 21, 2012, so kung posible to, bakit di man lang to na fefeature as major news? nasan ang NASA? computer-age na tayo, mas credible naman ang NASA kesa sa Mayan Calendar siguro so dapat may pag hahanda na ang sangkatauhan about this. yet parang wala naman, di naman tayo ina alarm na may mangyayari nga sa 2012.
sa mga sumunod na araw, nag research pa ako about polar shifting pa rin. hehehe. sabi ng ibang geologist imposible daw ang polar shifting... then "tinira" rin nila ang Mayan Empire although part na nga ng human history ang Mayan, may inexpose silang "kahinaan" ng Mayan Empire enough para paniwalaan kong baka na pa praning lang sila or OA na ang mga infos kasi nag salin salin na ang balita, na dagdagan na. Pwede rin na totoo, at pwedeng tinatago lang ng US/NASA para di mag panic ang mga tao at meron na silang ginagawang solutions... (gaya ng sa pelikula, although solutions para sa iilang tao lang)
anyway, kaya ko pinanood ay para malaman kung ano meron sa ending, naman! Ano ginawa ng US? or ginawa ng ibat ibang lider ng mga bansa, ano ang itsura habang nag kakaroon ng polar shifting, the drama of surviving, and saving humanity... it was a scary scenario..., what if...
anyway, ang closing remarks ko na lang dito... maaring wala mangyaring major sa 2012, or di sa ganitong paraan matatapos ang earth pero ang mas nakakatakot na katotohanan ay patuloy na nasisira ang Earth sa ginagawa nating pag abuso sa kanya, at baka eventually mas nakakatakot pa ang resulta kung di tayo magbabago at patuloy na magpabaya. Mas masarap pa rin naman siguro mamuhay sa earth kesa tumira sa spaceship or "modern Noah's ark"
0 notes:
Post a Comment