Ilang taon ng bukas ang SM MOA, more than 3 years na? at ngayon lang ako nakarating. Bukod sa mag malling., isa rin sa gusto ko itry before ay yung IMAX theater at nung nakaraang sunday ko na rin unang naranasan at makapanood ng 3D movie, which was the Avatar. Ngayon at least may idea na ako kung mag kano ang sine sa Imax, hehehe less than 500 so kailangan pilin mong maiigi ang gusto mong panoorin. At the very least mag basa basa rin ng review sa internet muna.
Bago pumasok ay syempre bibigyan ka ng 3D glasses, then uupo ka na sa designated seat mo. I just said "Whoa!" ng makita ko ang nakalaking screen sa harap! i think singtaas ng 3-storey building na ata yun! Tapos, eto matindi, dun ko na lang din nalaman na ang nakuha naming pwesto eh sa harap pa, 2nd row mula sa harap. kamusta naman? pano naman matatake ng mata ko ang mga lalabas na images dito, nakakaduling na sa sobrang lapit! hehehe. Then the movie started, sinuot na ng mga tao ang 3D glasses, medyo lumiit naman ng konti ang screen i think, medyo tolerable na sa mata, pero i think masyado pa rin malapit ang mga front seat rows sa screen kaya pili kayo ng seat sa bandang likod na.
Hayz, syempre Avatar movie ang pinanood ko rito at tapos na ako mag bigay ng review, pero ill give review to it in 3D standpoint.
I heard before na kapag nananood ka ng 3D eh parang parte ka na rin ng movie, halos pwede mo hawakan ang nakikita mo sa screen. Interestingly, may mga scenes na nadala ako hehehe. Example, may scene dun na tumalon sa falls ang bida at nahulog sa tubig, ayun, feeling ko parang nag flo float din ako sa tubig na parang biglang nagkaroon ng ng tubig sa loob ng IMAX at hangang dibdib ko ang lalim. nag balik alala ung sinuong kong baha nung Ondoy! Then may mga certain scenes din na may nag tatalsikang mga debris na lupa, napapailag daw ako kasi baka pumasok sa mata ko at ako'y mapuwing. May scenes na para ka ring nasa gubat talaga, gusto mo hawiin yung mga dahon at halaman na nakaharang kasi di mo na makita yung bida.
The thing is yun lang ang medyo nabusog ang mata ko, pero sa mga ibang scenes na, my eyes got hurt and got swollen, i mean really hanggang ngayon masakit pa mata ko. Na pressure siguro kung saang subject ko ifofocus ang mata ko. Nakakapagod. Example, may scene na close up ang camera sa nag nag eemote na bida sa loob ng laboratory. The 3D will only allow your eyes na mag focus ka sa mukha ng bida, di mo pwedeng tignan ang katabi nyang PC, or mga equipments sa likod nya, kasi blurred, di mafo-focus ng mata mo ang ibang bagay. What??? It kills the purpose of 3D experience! Another example, isang scene sa dining table, may 7 tao naka upo sa harap, and then yung mukha lang ng bida ang malinaw at naka focus sa 3D! No way na makikita mo ng malinaw ang katabing nyang kausap kasi blurred na yun... kahit anong gawin mong adjust or flex sa muscle ng mata mo para ifocus sa ibang tao; kung makapal ba ang kilay, kung singkit ba, kung ano kulay ng lipstick, no way, it was very tiring at isang parusa sa mata. Parang naka renda lang ang mata mo sa kung ano lang gustong ipakita syo. di mo na maexplore ang ibang detalye na pinakikita sa screen. True enough, maraming reviews about sa 3D version ng avatar na di rin nila nagustuhan. at mas maganda pa yung 2D version actually, mas relaxed ang mata mo. But i think di marunong ang nakontratang "firm" ni James Cameroon na isalin ang avatar sa 3D. Pwede. Siguro kung makakapanood pa ako ng isang pelikulang 3D pa eh makukumpara ko.
May isa pang note, i think sa IMAX management na ang pagkakamali nito, hehehe, nakakahiya sila! May part ba naman sa movie na di sabay ang narininig mong dialogue sa bukas ng bibig!!! can you imagine that? San ka? Mas masahol pa to sa panood ng pirated dvd! Di sabay ang salita sa bukas ng bibig? What the efff! Anong reaksyon gusto mong makita at marinig na umalingawngaw sa loob ng imax, mula sa mga taong nag bayad ng less than 500 para makaranas above-average movie experience! kung ilang oras ka pumila at nag pabalik balik para lang makakuha ng ticket? Ang galing! I thought magliliparan ang mga bote ng mineral water at mga popcorn sa loob dahil sa protesta! "Booo!" "Refund!" "Ulitin sa umpisa!" at mga malulutong at sarcastic na palapakan ang umecho sa loob. Nakakahiya talaga at nakaka dissappoint. Pinatay ang projector for 5 minutes i think; "Sorry for the inconvience, please stand by for further announcement" yan ang narinig namin mula sa speaker sa kisame??? Hahaha! Syempre di na inulit yung pelikula sa umpisa kasi may hinahabol na skeds na 8pm screening. So, may na omit na 5 min na scenes. Then the rest is history, sa katapusan ng pelikula, pinalakpakan ang movie ng ilang tao sa likod.
Actually, manonood pa rin ako sa IMAX theater, siguro sa SM North Edsa naman, pero pipiliin ko na sa susunod ang panoorin ko. Di pa naman ako nagka phobia hehehe.
Natatawa naman ako sa sarili ko, di ako nagandahan sa Avatar pero 3 posts ang kinain nya sa blog ko hahaha. Okay na rin tong pantulong para mapromote tong movie na'to i guess hehehe. Ikaw, panoorin mo. try mo lang.
Thanks to http://www.ourawesomeplanet.com
0 notes:
Post a Comment