So, napanood ko na to ng dalawang beses, yung isa sa 3D theater pa.
I think gagawa na lang ako ng lists na gusto ko sa pelikula at yung mga medyo tagilid na side ng pelikula, mapa teknikal, script, visual effect, editing, etc.
Mga gusto ko:
1. Gustong kong scene kung saan binobomba na ang Hometree, sabi ko sa sarili ko "Oh come on, you don't destroy a home, hello, planet nyo ba ang pandora, bisita lang tayo dito, tapos itutumba nyo lang ang isang napakalaking puno na kanlungan ng kultura, buhay, at tirahan ng mga nanahimik na Na'vi. Di pa ba tayo kuntento na sinira natin ang Earth tapos dadayo tayo sa ibang planet at gigil na gigil na minahin ang Unobtainium. Ano ba'to, year 2154 na, di pa rin natin alam na nakasasama na mag putol ng puno? *high blood mode*
2. I like too the bioluminescent forest. I like the scene sa loob ng gubat in general, mga pinakikitang flora and fauna. i thought may ilalaban din kaya ang planet earth versus sa gubat ng pandora kung rainforest lang pag uusapan kaso nag laho ng ang gubat natin mga taga Earth. pasaway.
3. The fact na CGI or more than CGI ang ginamit sa avatar, Yep, commendable rin na may emotion kang makikita sa mga mata ng mga character ng Na'vi, kahit sila'y CGI, may emotion pa rin ang mata. di gaya ng mga mata ng mga bida sa ibang CGI movie, walang soul, expressionless kahit pa sabihin mong silay "tao" sa kwento. Sa mga mata ng Na'vi eh meron, kahit pano "kumukonek" pag nakita mo ang mata nila.
Mga di umepek sa akin.
1. May sinasabi silang bagong introduced na visual effects sa Avatar, eto ba yung pag bibigay buhay sa karakter ng mga Na'vi na di gumamit ng 100% CGI kasi involved din ang Hollywood actors sa pagpapagalaw, di lahat inasa sa siyensya? I think nagamit na'tong teknik na to kay Gollum sa Lord of the Rings. Pwede ko bang tangalin yung #3 sa taas about sa emotion ng mga mata? Di na rin pala bago yun kasi nauna ng ang Lord of the Rings sa teknik na'to. nauna na akong na inlove sa malalaki at expressive na mata ni Gollum. Nagamit na rin tong teknik na to sa King Kong nung 2005.
2. May isang scene dun na bigla ko tinanong sa sarili ko "Tong mga Na'vi, parang tribesman lang sa Africa or Amazon jungle basin, or mga Native American Indian or mga Pacific Islander, I think di na kailangan na maging kulay blue ang kulay ng balat ng bida or i set to sa labas ng planetang earth kasi yung kabuuan ng istorya tungkol sa pagkatututo ng ibang kultura, kung paaano ka nag fi fit in sa isang bagong mundo, at pag respeto sa tradition ng iyong bagong kinabibilangan ay pwede na rin maitawid yon sa di gaanong kakumplikadong mga karakter... tipong gawin na nating mga bida or halimbawa ay yung mga tribesman sa Africa or sa Pacific . So di rin umepek sa akin ang plot kasi ilang beses ko na rin nakita yon, i think sa Survivor reality show, gaya ng Vanuatu or Africa episode or even mga travel shows sa TV, di ka lang basta turista sa isang bayan or bansa, kailangan mong makibagay sa kanilang kultura at pamumuhay habang ikaw ay nakatapak sa kanilang lupa. Then before you know it, isa ka na rin sa kanila at niyayakap mo na rin ang kanilang pamumuhay at kultura.
3. The script... mababaw din, no memorable and beautiful quotes. maraming unnecessary tribal cries ala Tarzan na nakaka distract, at medyo marami rami rin ang sabugan ng bomba at baril tsk tsk, mukhang dito yata sila bumawi kesa mag invest sa magandang lines.
4. Si Leona Lewis na kumanta ng theme song ng Avatar, di bagay. Sana kinuha na lang ulit ni James Cameroon si Celine Dion. hahaha.
5. Di rin ganon ka exciting or ka magical ang presentation ng mga places sa Pandora, i mean, kumpara sa mga "Kingdom" or realms ng Middle Earth ng LOTR gaya ng Gondor, Shire, Rivendell, Argonauth, Isengard, Rohan, etc. Even the Hallelujah Mountain sa Pandora, no can do, feeling ko mga lumutang lang yon na limestone islands ng Hundred Islands or mga isla sa Palawan. Kulang.
Para sa akin, kung meron tong mga kapuri puring aspeto o tinatangap na kredito including "Greatest (sci-fi) film ever" (hello?) ay ganun din naman ang mga butas na pwede mong makita. At masasabi kong ang Avatar ay isang pelikula na pwedeng kong ilarawan bilang isang "eye candy" or just an average sci-fi film. In fact, mukhang na overshadowed na nga mga "di umepek" reviews ang good reviews, at ang tanging memorable at nagustuhan ko na lang ay ang jungle forest filled with phosphorescent folliage and critters, and the rest is forgettable.
0 notes:
Post a Comment