Not Yet a Movie Review... Just a story


Okay, almost lahat na ng blog na binabasa ko eh may review na ng Avatar... hehehe. There is one specific blog na nag bigay ng magandang review about Avatar. Sya rin ang nag bigay or nag recommend na panoorin ang Lord of The Rings way back in late 2001. Then The Lord of the Rings became my favorite movie. Anyway... I caught the Avatar in December 23rd in Festival Mall Alabang ... and... (Di pa muna ako mag bibigay ng review hehehe) supposed to be ay may posted review na ako nito kaso, hinold ko muna... kasi... gusto ko ulitin ang Avatar for the second time, sa 3D theater naman. Daming nag sasabi na mas maganda at magical kung sa 3D theater mo to papanoorin. But then i thought wala ng pag asa na mapanood ko to ulit at the very least, december 25th onwards kasi alam ko puro mga Manila Filmfest movies na ang laman ng mga sinehan, at wala munang mga foreign movies. But then i researched sa internet na may Avatar pa rin pala kasabay ng mga tagalog movies... May skeds of movies showing sa mga 3D theater ng SM Mall of Asia at SM North Edsa. Whoa! May pag asa pa ako hehehe! I am soooo uber excited kasi, well, first time ko palang makakapanood sa isang 3D/IMAX theater.

now, i am writing this blog december 26, 8 pm.

kaninang hapon, pumunta kami ng kapatid ko sa MOA, papanoorin namin ang Avatar, at yung pang 4:50pm na showing time ang "kukunin" namin. (actually, napanood na rin ng kapatid ko ang avatar pero di 3D, kinumbinsi ko lang sya na mas okay daw to sa 3D hahaha). ayun nga, nakarating na kami,... oh my god... ang haba ng pila sa takilyera!!!!!!!!!! Grabe!!!!

We thought mahahabol pa namin ang 4:50 pm na showing habang kami'y nakapila but then nakita namin na fina-flash sa screen na "SOLD OUT " na ang 4:50 pm skeds, SOLD OUT na rin ang 8:00 pm, at "few seats available" na lang ang 11 PM na screening time... ganun katindi tong movie na to, ganun karami ang gustong mapanood to (sa IMAX). Maraming dissapointed na tao, nakapila at mga mga pumapasok sa IMAX ticket hall nung makita nila yung screen na Sold out na lahat ng time slots hangang hatingabi! Nagkasundo kami ng kapatid ko na definitely ay di na namin ita try na bumili ng 11 pm na tiket.. masyado ng gabi yon at ano gagawin namin mula 5pm to 11 pm sa loob ng mall? hahaha... but then pumila pa rin kami... plan namin na bka pwedeng bumili ng tiket in advance para bukas, December 27 na lang namin panonoorin. Luckily pag dating sa harap ng ticket booth eh pwede yon, so nakabili kami ng ticket, 3 tickets! mwah! mwah! mwah! yung nga lang kailangan pa namin bumalik bukas ulit hahaha! Pasaway!

And suprisingly marami na rin ang nakabili ng advance ticket na babalik kinabukasan pa... at, siguradong wala ng available seats bukas para sa mga decemeber-27-walk-in movie goers! dahil december 26 palang eh ubos na mga tiket nyo hehehe! excited na ako para bukas, then i ll give my review and my first imax/3D experience.

Anyway, share ko na rin mga random pix na kuha ko.










0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine