Another Survivor: Heroes VS Villains Post




I thought sa March pa talaga ito mag a-air kaya nasa queue lang itong post ko na 'to, about Survivor: Heroes VS Villains, yun pala eh nag premiere na'to sa nung February 11 pa.

Nakakahiya, huling huli na ako sa balita. san san ba ako nag susuot? naka drugs ba ako? or pre occupied ako sa isang pang reality shows, ang PBB? hehehe.

Anyways, isa sa mga paborito kong TV shows ay ang Survivor (yung hino host ni pareng Jeff Probst ha at di yung kay Paolo Bediones) na hooked ako dito since 2002 pa (Survivor; Thailand).

Sa ngayon, may mga missed seasons ang Survivor na sa youtube ko na lang "hinahabol" kasi dahil sa conflict sa skeds sa work, nag palipat lipat na rin kasi ng ito ng network studio23, QTV11, at Solar RPN9. (yep wala, wala kaming cable) So pag idle sa office, ito lang pinanonood ko.

And regarding this specific episode, their 20th episode, at sa ika 10-taon ng pag sa sa ere, "Survivor: Heroes VS Villains", ang theme dito ay ang pag babangaan ng 20 players nag babalik mula sa mga nakalipas na episodes or sa nakaraang 10 taon... Igu grupo sila sa dalawa; grupo ng mga Heroes (mga lovable, mabait, marunong makisama, underdog ) laban sa grupo ng mga Villains (mga nakaraang players na sinungaling, maangas, manipulative, back stabbers, power tripper at may aura talaga na kontra bida ang dating). So labanan ng good at evil ito. Labanan ng mga minahal kong players at ng mga kinabuwistan kong players...

Sa ngayon, ang bet ko sa Heroes ay si Rupert at si Stephanie...

ang bet ko naman sa Villains ay si Russell, Sandra, and Parvati...






Actually, isa pa sa mga reasons kung bakit ko to gusto (survivor show) ay dahil bawat seasons eh ginaganap ito sa ibang ibang lugar, like africa, china, amazon river, panama, samoa, borneo, thailand, guatemala, etc, parang nakaka pag travel na rin ako, at trip ko ang mga season pag sa beach ang location, ganda kasi ng mga beach na napipili nila.. remote kung remote, virgin kung virgin, . isa pang reason ay ang gross hygiene hahaha, 39+ days ba naman nabubuhay ka sa isang remote na isla or lugar, walang sabon, toothpaste, clean clothing, walang ahit ahit , walang shampoo, bahala kang umitim sa tindi ng init ng araw, i find it sexy kapag itsurang filthy na sila at nanlilimahid, parang taong gubat na talaga, at mamula mula na ang kulay ng balat, rawrrrr! well those are just superficial reasons, (sabay kabig?) higit sa kung ano pa man ay nakikita mo rito pag uugali ng mga manlalaro, kung paano sila nakikitungo sa iba, saktong pakikisama, kung paanong nilalagpasan nila ang hanganan ng kanilang pisikal, emosyonal, at mental na limitasyon, kung ano ang kaya nilang isakripisyo, kung ano ang kaya nilang talikuran, kung kailan sila yuyuko at kusang susuko, at kung gaano sila katibay sa bawat challenges at sa pag buno ng 39+ days na malayo sa pamilya, limitadong pagkain at tubig, exposed sa extreme weather condition, walang bahay, at makisalamuha sa iba pang castaways.

bukod pa dun.. eh ang nanalo dito eh di nadadaan sa text vote. (di ako nag paparinig) hehehe

3 notes:

{ EngrMoks } | February 19, 2010 at 2:30 AM said...

hahaha... bet ko dyan si rupert

{ Unknown } | February 19, 2010 at 3:30 AM said...

@ mokong.. bet mo rin pala si rupert... hehehe, kaso nahahati na ang puso ko sa iba pang outcasts na kasali hehehe, parang wala akong gustong ma vote out. basta, good luck na lang. wala palang reprentative ang asian no? hehehe, sana sinali si Yul.

{ DRAKE } | February 19, 2010 at 10:17 PM said...

di ko alam yan bro!Hehehe! wala na akong hilig sa reality shows ngayon!

Sana manalo yung bet mo!

Ingat

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine