Chicken Galantina ala Budol Budol


I was in 4th year high school noon sa Pasig (SY 1998-1999) at ang kinuha kong THE (Technology and Home Economics) "subject" eh culinary arts (may iba pang THE "subjects" like, dressmaking, basic electronics, cosmetology(?), food service, etc. Walang gatol gatol na culinary arts talaga pinili ko kasi nag luluto na naman ako nun, as early as 9 years old eh ako na ang taga saing hehehe, bukod pa sa kapangpangan ang lola at nanay ko. At aliw din ako sa pag suot ng apron, cool! ako ang in charge dito sa kusina!

That time sa school ang pag luluto ng isang dish ay gagawin lang ng isang student, at sarili nyang gastos sa pagbili ng ingredients at... ang ipoprovide lang ng school eh kitchen tools/ stove/oven/ gas.

Nakaluto ako nun ng pineapple upside down cake, banana muffin, custard pie, rellenong alimasag, chicken galantina, tropical fruit salad, at lasagna (lahat yun para sa buong taon ng senior year).

Pero ang main course ng kwento ko eh ang story behind the Chicken Galantina...

Naibigay na ng instructor ko ang list para sa kailangang sangkap para sa naturang dish; namely, of course, 1 whole dressed chicken, at ang stuffings na ilalagay sa loob ng chicken like maling, giniling, raisins, onion, eggs, pickles, carrots, etc. Kailangan eh maibigay ko na ang listahan sa nanay ko para mabudget nya na ang gagastusin; Meron lang ako 1 week para mag prepare, meron lang din 1 week ang nanay ko na ipunin paunti unti ang mga sangkap, after nun, pwede na ako mag report para mag luto at humarap sa jury, me ganon?

4 days prior to the main event, eh almost kumpleto na ang sangkap na lulutuin ko... Ang wala na lang sa check list ko ay ang manok... at ng tanghaling yun din, habang nasa bahay ako (walang pasok sa school) gumagawa ng takdang aralin ay may kumatok sa gate namin, isang babae,

"Ate, ate" sabi ng babae

"Ano po yon?" sabi ko.

"Ay, boy!, pinapunta ako ng mama mo rito, dumaan sya sa tindahan namin kaninang umaga, kumuha sya ng manok, punta na lang raw ako rito para kunin yung bayad sa manok", ang paliwanag nya.

"Magkano po?" ang tanong ko.

"300", tugon ng babae.

"Sige, paantay lang po", at binuksan ko na ang gate, at pinatuloy lang sya sa aming kunyaring "veranda"

ako naman ay kumuha ng 300 sa wallet ko na ipon ko sa mga sobrang baon na binibigay sa akin at sabay sabi sa sarili ko "Ayan, kumpleto na ang ingredients ko, wala ng problema... tapos, sisingilin ko na lang si nanay mamayang gabi pag dating nya ng 300, abono sa manok"... at nilabas ko na ulit yung babae, at inabot ang 300.

"Salamat" sabi nya... at humirit pa sya ng "May papel ka ba dyan at ballpen?" iwan lang ako note sa mama mo"

Pumasok ako sa loob at kumuha ng papel at bolpen... at ito'y aking inabot sa kanya. at sumulat na nga sya duon. Inabot nya sa akin ang note at nagpasalamat ulit at lumabas na sya ng gate.

Binasa ko ang note and it reads "Ate Nene, nakuha ko na po yung 300 na bayad sa isang kilong manok"

Dumating ang gabi at dumating na ang nanay ko... kamustahan ganyan, at inopen ko na ang "paniningil" ko sa kanya.

Ako: Nay, may utang kayo sa akin ha.

Nanay: Huh? saan?

Ako: 300, para sa manok.

Nanay: Ano?

AKo: May pumunta dito kaninang tanghali, naniningil ng 300 para sa manok. kumuha raw kayo ng manok kaninang umaga.

Nanay: Wala akong kinukuhang manok kahit kanino.

I thought nakalimot lang ang nanay ko at baka sakaling kapag naipakita ko yung note eh maalala nya (although wala namang name na sinulat yung babae kung sino sya). at itoy kanyang binasa na nga.

Nanay: Di ko kilala yan... Ano ka ba, sige nga i check mo yung ref natin kung may manok tayo sa freezer?

I checked our ref , at wala akong nakitang manok na buhay o patay. tsk tsk. "Bakit wala?"

Nanay: Oh ano? meron?

Ako; Wala, i thought bumili kayo ng manok para sa project ko kaya....

Nanay: Ay naku, pero naka sulat dito pangalan ko "Ate Nene"... baka ibang nene to, may isa pa tayong nene na kapit bahay kaya... teka puntahan ko si aling nene, baka nagkamali lang yung babae ng pinuntahang bahay".

makalipas ang ilang minuto ay yakag yakag na ni nanay nene ko si aling nene sa aming bahay at shinare ko na rin ang kwento ko kay aling nene...

Aling Nene: Grabe naman, mare, imposible rin na kumuha ako ng manok, kita mo naman ang kalagayan namin, mahirap pa kami sa daga para bumili ng manok.

Ako: Sa isip ko, walang malisya "sabagay, halata naman, dami nyo rin kayang anak, imposible na afford nyo mag manok".

at umuwi na si aling nene...

Nanay: Tingin ko na budol budol ka.... Di mo rin muna chineck ang ref natin kung may manok dun! and hello? di mo rin ba naisip na napakamahal ng 300 para sa 1 kilong manok? 85 pesos lang yun sa palengke.

Ako: Silent lang, nirerewind ang pang yayari sa isip ko habang naka titig sa note na iniwan ng babae.

Nanay: Di kita babayaran sa 300!!!

***********

eventually, natuloy rin naman ang project ko... i got 92% para sa aking nilutong Chicken Galantina (ala budol budol)

6 notes:

{ EngrMoks } | February 17, 2010 at 1:09 AM said...

Congrats..mataas na grade yung 92 tol.

{ Ayie Marcos } | February 17, 2010 at 2:19 AM said...

Naks! Gumaganon...92 ang grade--paano lutuin yan?

{ DRAKE } | February 17, 2010 at 3:43 AM said...

oo nga! Okay na rin yang 92 na yan! E kami nga pinagawa ng menudo, hayun lasang TAE sya!hahaha

Ingat

{ Unknown } | February 17, 2010 at 4:09 AM said...

nakaka gulat na may pumasok na taga spain sa blog ko! siguro dahil sa spanish sounding title chicken "galantina" hehehe. gino google nya siguro recipe for galantina recipe at dito sya dinala ng tadhana hahaha.

muchos gracias!

@ayie, sige hanapin ko recipe nun, scan ko para syo. ang tricky lang dun eh pag dedebone ng chicken.

@drake san ka ba nag susuot ang kung ano ano ang natitikman mo?

@ moks oo naman 92! partida pa yun.... baka nga 100 pa sana nakuha ko kung di ko lang naiisip yung "nawala" kong 300 hahaha.

{ Jepoy } | February 17, 2010 at 8:07 AM said...

Penge naman

{ Jam } | February 17, 2010 at 8:16 AM said...

Sarap naman..ako rin mahilig magluto since bata pa ako hehehe..akala ko may manok na dala c budol budol un pala bnyaran mo lang hahaha!

Napadaan lang po..sana mapatambay ka ring sa hang-out ko..GBU!

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine